_pang-masa
^
Nora nawalan ng ganap sa Pasko
Nora

Nora nawalan ng ganap sa Pasko

Vir Gonzales (Pang-masa) - November 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy na kaya uli ang pelikulang nakatakdang gawin ni Nora Aunor sa direktor na si Arlyn dela Cruz? Ang Ninang Corazon. Nagdiwang ang mga Noranian headed by Marie Cusi kahit na hindi pa ito sigurado.

Ang sabi ng ilan, dapat daw ay ito na lang ang isinali sa Metro Manila Film Festival 2019  dahil mas makabuluhan pa raw ang tema nito. Hindi raw katulad ng Isa Pang Bahaghari na idinirek ni Joel Lamangan na puro kabaklaan daw ang kuwento.

Sina Michael de Mesa at Philip Salvador ang kasama ni Nora sa nasabing pelikula, balitang tapos na raw ito, pero hindi pinalad sa MMFF dahil hindi raw pambata.

Sa Pasko kasi sana ipapalabas, kaya expected na  puro bata ang karamihan sa mga manonood.

Well, abangan na lang natin kung matutuloy ang Ninang Corazon at kung kailan ipapalabas ang Isa Pa...

Ate Vi malungkot ngayon ang birthday

Aminado ang Star for all Season na si Vilma Santos na sa darating niyang kaarawan sa Nov. 4 ay ito na ang pinakamalungkot. Tuwing birthday kasi niya ay kasama niya palagi ang kanyang ina na si Mommy Mila, pero pumanaw na ito noong nakaraang taon.

Masakit daw isipin na noong mga nakaraang okasyon nila ay hindi na sila naaalala ng kanilang ina dahil nga sa sakit.

Masarap din daw magluto ang kanyang mama kaya hindi  talaga  nila ito makakalimutan.

Mabuti na lang nandiyan ang kanyang loving family na kasama niya tuwing magbi-birthday siya.

Ilonah, Aurora, Jobelle at Lilet hindi natiis ang showbiz

Mahirap talagang isnabin ang showbiz. Imagine ilang taong naninirahan sa America si Ilonah Jean, pero hindi niya natanggihan ang alok na mapasama sa teleseryeng The Killer Bride na pinagbibidahan ni Maja Salvador. 

Nagbabakasyon lang si Ilonah nang aluking mag-showbiz muli.

Samantala, baka rito na siya mag-Pasko dahil naka-line up na ang kanyang mga gagawing project.

Ganundin ang nangyari sa dating beauty queen na si Aurora Sevilla na 27 years na siyang naninirahan sa ibang bansa pero naisalang din siya sa serye ni Maja.

Same lang din ang nangyari kina Jobelle Salvador at Lilet na muling naging visible sa mundo ng showbiz.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with