Gretchen Barreto
Gretchen pinagtawanan, Marjorie may sapi raw!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

Matapos magsalita ni Marjorie Barretto sa TV Patrol last Tuesday, sumagot naman sa Instagram ang ate niyang si Gretchen Barreto na kasalukuyang nasa Amerika.

Sunud-sunod ang posts ni Greta na sa bandang huli ay tila pinagtatawanan na lang niya ang kapatid.

Sa unang post ng dating aktres, makikita ang video kung saan ay masinsinan silang nag-uusap ng kanyang inang si Inday Barretto.

“This was a lovely, precious moment - it was about forgiveness, love & a promise to protect our new found mother / daughter relationship. It was a great opportunity to mend all the nasty words thrown to each other. It was a dream come true for me to finally hear the words I love you from my mother (something I thought I would never hear til the last breath of my last day). Words are not enough to express the feeling and the blessing. This emotion is not the kind to EXPLODE TO A HYSTERICAL STATE as BEING CLAIMED BY MARJORIE ITCH –Very,” ang caption ni Gretchen sa video.

Sa pangalawang post ay ang makikita naman ang short video na hango sa interview ni Marjorie kung saan ay sinasabi nito na “I am for reconciliation.”

Sa caption ay ipinaliwanag ni Greta kung baklt hindi siya nakadalaw sa ospital nang may sakit ang ama nilang si Miguel Barretto.

“I was not allowed to go to the hospital because of your outbursts & because there will be more tension for me to see EX MAYOR ECHI­VERRI (who Claudine will file a molestation case against right after the 40th day .

“The attack of your father, as you say happened (as told to me by our mother is because you ARRANGED a lunch party for dad to spite mom for being on claudine side) you did not invite mom & that caused a huge dispute between our parents & the rest is history,” ang bahagi ng caption ni La Greta.

Itinanggi rin niya ang sinabi ni Marjorie na bago siya dumating ay nagpa­sabi siya na paalisin ang mga pamangkin dahil kasama niya si Atong Ang.

“Lets stick to each point so people will better understand THE TRUTH) fyi/ RELAX YOU ARE RADIATING WITH SO MUCH ANGER & ENVY & HIGHLY PARANOID. ( I DO NOT HAVE THE POWER TO ORCHESTRATE A GRAND ENTRANCE WITH THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES PRRD WAS KIND ENOUGH TO OFFER TO SEE ME AT THE WAKE & Only then , i was ho­ping you COULD CONTROL YOUR ANGER & overwhelming FEAR OF THE TRUTH,” pahayag pa ni Greta.

Ang sumunod na posts ni Gretchen ay tila pinagtatawanan na niya si Marjorie. Ipinost niya ang larawan ng kapatid na nakatirik ang mata habang nagsasalita sa nasabing interview at caption niya, “hindi ka ba napapagod Marjorie hahaha.”

Inilagay din niya sa caption ang salitang “POSSESSED.”

Sa isang post naman niya ng larawan pa rin ni Marjorie na gigil na gigil, sinasagot naman niya ang sinabi ng kapatid na siya ang nagkaroon ng nervous breakdown sa wake.

“Oo ate , oo ate , ikaw na ang kalmado. Ikaw na ang mabuting anak. Ikaw na nga lahat, im longing for the peace you radiate, ate marjorie baldivia itchy -very goooood,” caption ni Gretchen.

Sa pinakahuling post ng dating aktres ay makikitang kalmado na siya at parang hindi apektado sa mga issues sa kanila. Sa video kasi ay makikitang nasa restaurant/bar sila ng anak na si Dominique at nagkakasayahan sila dahil paikut-ikot pa si Greta na tila nagpa-fashion show.

“The love of my life @dominique for your warm embrace & love  San Francisco,” caption ni Greta.

GRETCHEN BARRETO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with