Lovi Poe
Lovi nakatapos ng Annulment kahit nagbakasyon!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

May pelikula pala si Lovi Poe sa Regal Entertainment Inc., ang The Annulment na ipalalabas sa mga sinehan sa November 13, 2019.

Tahimik na ginawa ni Lovi ang The Annulment nang bumalik siya sa Pilipinas matapos ang halos anim na buwan na pagbabakasyon sa US.

Si Joem Bascon ang leading man ni Lovi at si Mac Alejandre ang direktor ng The Annulment.

Bongga si Lovi dahil ang akala ng lahat, hindi siya nagtatrabaho pero isang pelikula na ang natapos niya.

Isa si Lovi sa mga mahuhusay na aktres ng henerasyon nito dahil may lalim ang pagganap niya kaya special ang lahat ng kanyang bawat project.

Magwawakas na ang pananabik ng fans ni Lovi dahil mapapanood na uli siya sa pelikula.

Bukod sa The Annulment, may bagong movie na gagawin si Lovi sa Viva Films, ang In Between Goodbyes. Tinapos muna ni Lovi ang lahat ng obligasyon nito sa The Annulment bago niya umpisahan ang pelikula na pagbibidahan nila nina Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Maging maganda sana ang resulta sa box-office ng The Annulment para mas ganahan si Lovi na dalasan ang paggawa ng pelikula at maging active uli siya sa TV.

Mga anak nina FPJ at Dolphy may salpukan

Ang The Art of Ligaw ang box-office rival ng The Annulment sa November 13 dahil ito rin ang playdate ng pelikula nina Epy Quizon at KZ Tandingan.

Tapatan ng mga anak ng hari ng pelikulang Pilipino ang mangyayari dahil anak si Lovi ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. at anak naman si Epy ng Comedy King na si Mang Dolphy.

Ang kanilang mga anak na mahuhusay umarte ang ilan sa mga legacy nina Kuya Ron at Mang Dolphy sa Philippine movie industry.

Kung gusto ng moviegoers ang drama, ang The Annulment ang panoorin nila at kung ang romance comedy movie ang kanilang type, andiyan ang The Art of Ligaw na unang pelikula ni KZ.

Glydel naloka sa bestfriend ni Jinkee!

Naku Salve kailangan ni Lynette ng tulong mo para makuha nito ang gloves niya kay Bernard Cloma.

Ang sabi ni Bernard, siya na raw ang magbibigay kay Lynette so hindi ko na siya pinilit.

Alam mo naman na may sumpong din si Bernard na ikinaloka ni Glydel Mercado dahil sa mga ipinakita niya na photos nila ni Floyd Mayweather, Jr., lalo na ang peg na mahiga ka sa salapi.

Sabi ko nga, okey naman si Bernard, maeklay lang madalas. Sa tuwa ko nga dahil naibigay niya sa akin sa wakas ang giveaway mula sa binyag ng anak nina Congressman Lord Allan at Wen Velasco at ang signed gloves ni Senator Manny Pacquiao, binigyan ko ng load ang dyowa ni Mayweather, ang number one bestfriend ni Mama Jinkee Pacquiao.

Ngayon, ikaw na ang mag-follow up ng kay Lynette, Salve dahil nagkaroon talaga ako ng puting buhok kay Bernard.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with