Pagso-showbiz ni Lorin ‘di na maiiwasan
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umangal ang maraming fans ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde nang hindi makapasok ang pelikula nilang The Heiress na isang horror movie na entry sana sa Metro Manila Film Festival 2019. Sina Maricel Soriano at Janella Salvador ang tampok sa nasabing pelikula.

Noong araw daw, noong almost dying na ang pelikulang Pilipino, si Mother Lily lang ang nagtiyagang gumawa ng tinatawag noong Pito-Pito movies para may maipalabas sa mga sinehan at tulungan ang movie industry. 

Ano’t ngayong marami na ang mga baguhang producer ng pelikula sa MMFF ay biglang naitsapuwera ang Regal?

Sanay na ang mga Pinoy na palaging may horror sa MMFF at palaging Regal ang nagrereyna rito, pero ngayon, wala kahit isa.

Bakit daw yung mga storyline na wala namang dating ang kuwento ay nakakapasa, pati mga temang kabaklaan ay kasali palagi.

Mabuti na lamang at hindi pikon si Mother Lily, marunong siyang tumanggap ng pagkatalo nang hindi sumasama ang loob.

Movie ni Ate Guy hindi raw pamasko

Ang isa pang kinukuwestiyon ngayon ay ang hindi rin pagkakasama ng pelikula ni Nora Aunor na Isa Pang Bahaghari na idinirek ni Joel Lamangan. Kasama niya rito sina Michael de Mesa at Phillip Salvador.

May mga usap-usapang kaya raw hindi ito pinayagan ay dahil may tema na hindi pambata. Magpa-Pasko kasi, mga bata ang karamihan na manonood sa mga sinehan kaya siguro hindi sila nakalusot. Sayang at binigay pa naman ni Nora ang lahat ng husay niya sa pag-arte.

Rain or shine ay talagang nagso-shoot pa rin siya para lang maihabol sa MMFF ang kanyang pelikula.

 Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to October born celebrants: 

Joshua Garcia, Nash Aguas, Boy Abunda, Allan Diones, Matt Ranillo, Boboy Garobillo at Ricardo Cepeda.               

METRO MANILA FILM FESTIVAL RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with