Bagong magpapahirap kay Coco, inaabangan
Vir Gonzales (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Ngayong dedo na si Bungo (Baron Geisler) sa FPJ’s Ang Probinsyano, may mas kaabang-abang pa bang eksena na dapat tutukan? Mukhang ang mga plano na lang nina Lorna Tolentino at Gardo Versoza ang susubaybayan ng viewers.

Sino naman kaya ang papalit kay Bungo na isa sa mga nagpapahirap sa misyon ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Ratings ng The Gift ni Alden lumalagapak?!

Ngayong tumapat na ang Starla ni Judy Ann Santos sa serye ni Alden Richards na The Gift, nahihirapan na ata ang GMA-7 na maghakot ng manonood sa kanila.

Noong una kasi ay hataw ito sa ratings, pero nang itapat na ang Starla, biglang lumagapak. Sana ay i-improve pa ng production ang nasabing serye, mukha namang may laban. Huwag lang sanang matutulad ito sa huling serye ni Alden na Victor Magtanggol na nagmukha lang katatawanan.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to October born celebrants: Ms. Tina Monzon Palma, Dina Bonnevie, Joshua Garcia, Kylene Alcantara, Arnold Gamboa, Da­niel Ravon, Mrs. Edy Salvador dela Merced at Kuya Amang dela Merced.

Greetings from loving family of Joyce, Junjun at Jenny.

 

BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with