Pangulong Duterte dumalaw sa burol, Gretchen nakipag-ayos sa ina

Kagaya nang inaasahan, dumating si Gret­chen Barretto at nagbigay pugay sa kanyang namayapang ama. Hindi mo nga masasabing dahil doon ay natapos na rin ang samaan ng loob ng magkakapatid, particularly sina Gretchen at Marjorie Barretto na nagpapalitan madalas ng maaanghang na salita sa social media, pero sinasabi nga nilang isang hakbang na iyan para sa pagkakasundo.

Para sa mga matagal nang nakakakilala kay Gretchen, alam nila kung gaano kamahal ng aktres ang kanyang ama. Kahit na noong nagsisimula pa lamang siya, sinasabi niya kahit na kanino ang kanyang mataas na pagpapahalaga sa erpat niya. Kahit na noong panahong matindi na nga ang alitan sa pamilya, walang sinabi si Gretchen laban sa ama. Hindi rin naman kumibo ang ama laban kay Gretchen. Makikita mo na may special bonding talaga sila.

Kaya nga noong mamatay ang father niya, may nagtatanong pa kung sisipot daw kaya si Gretchen kahit na siguradong makikita niya roon ang mga kapatid na sinasabi niyang ayaw niyang makita. Ang paniwala namin, hindi niya matitiis na hindi makita ang erpat niya.

Mabilis ang naging reaction ng kapatid niyang si Claudine Barretto, na agad nag-post sa kanyang social media account ng “I love you very much”.

Halos kasabay ni Gretchen na dumating sa burol ng kanyang ama si Presidente Rodrigo Duterte na nagpunta roon kasama nina Senador Bong Go at Secretary Sal Panelo.

Wala pang announcement ang pamilya kung kailan ang libing o kung ano pa ang ibang plano nila sa yumao nilang ama. Hanggang maaari kasi, gusto ng pamilya na mapanatiling pribado ang panahon ng kanilang pagdadalamhati.

 

 

Nora at Maricel natabunan ng mga bagong superstar?!

Kung noong araw yan, ang pagkaka itsapuwera ng mga pelikula nina Nora Aunor at Maricel Soriano sa Metro Manila Film Festival ay isang malaking issue. Tiyak na magkakaroon ng uproar, at sasabihin nila “you don’t do that to superstars.”

Pero lumipas na nga ang panahong iyon. May mga bago nang superstars  ngayon, at ang mga pelikula nila ay dumaan sa pagsusuri ng screening committee batay sa kanilang panuntunan.

May palagay kaming ang isang nakaapekto sa pelikula nila ay iyong “commercial viability.” Dahil sa target na kitang mahigit na isang bilyon sa loob ng sampung araw, iniwasan nila ang mga posibleng mag-akyat lamang ng mababang gross.

 

 

 

Pero naloka sa kapalit

Male star umaming tumatanggap

ng mga mamahaling regalo galing sa bading

Inamin ng isang young male star, kahit na nga ang isang sikat na gay matinee idol hindi niya pinatulan, papatol ba siya sa isang bading na ang claim ay binigyan siya ng milyong piso? Inamin niyang may mga regalo iyon na tinanggap niya, dahil ang akala raw niya regalo lang talaga ng bading. Inamin niyang niregaluhan siya ng isang mamahaling cellphone at isang professional camera, pero wala naman daw silang usapang “may kapalit iyon”.

“Puwede ko namang isauli, o bayaran sa kanya lahat ng naibigay niya sa akin, pero kung ang gusto niya ay may mangyari sa amin, malabo siya,” sabi ng male star.

Sabay banggit pa sa pangalan ng isang gay matinee idol na nanligaw din daw sa kanya pero hindi niya pinatulan.

 

Show comments