Kanta nina Daniel at Moira inaasahan sa pelikula
(Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Naghakot ng anim special awards sa Himig Handog ang kantang Mabagal na ang composer ay si Dan Tañedo na ininterpret nina Daniel Padilla at Moira Della Torre.

Bale ba, Best Song, MOR Philippines’ Choice Award, MXY Choice for Best Music Video, ONE Music PH’s Choice for Favorite Interpreter, Star Music’s Choice Award for Best Produced Track, at Listener’s Choice for Most Streamed Track ang nakuha ng kanta.

In all fairness, ang laki ng improvement ni Daniel na lately ay hindi gumagawa ng pelikula at ibinubuhos ang kanyang oras sa pagkanta para ipamalas ang kanyang talent sa music.

Totoo naman na mahusay ang interpretasyon nina Moi at DJ sa matalinhagang Tagalog na kanta na para kang hinaharana sa melody.

Samantala, bago pa ang awarding ay kanya-kanya ng version ang kanta na ginamit para sa iba’t ibang events sa kanilang mahal sa buhay. Perfect din ang kanta ngayong ‘ber months’. Inaasahan na gagawin itong theme song ng movie.

DANIEL PADILLA MOIRA DELLA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with