Mag-inang Julia at Marjorie nagluluksa sa social media!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Kahapon ay nag-post ng kanyang pamamaalam si Julia Barretto para yumaong lolo na si Miguel Barretto.

“I thought I’ve experienced real pain until yesterday. Nothing compares to this. My heart hurts so much 9/29. It hurts so much. It will never ever be the same without you but I find peace in knowing that you are now free from all the pain and suffering. Rest well now, 9/29. See you again,” ang caption ni Julia sa Instagram post na larawan nila ng kanyang lolo.

Maging ang ina niyang si Marjorie ay ibinahagi rin ang sakit na nararamdaman sa pagpanaw ng ama.

“Oh Dad. It’s so painful losing you. I feel so broken. Thank you for loving me and being the greatest grandfather to my children. Rest now in heaven where you can breathe freely, sing, dance and play golf. Please watch over my children. I love you so much. I love you I love you I love you Daddy. I will miss you everyday,” ang caption naman ni Marjorie sa series of photos nila with her dad kasama ang kanyang mga anak.

Pumanaw ang ama nina Gretchen, Marjorie and Claudine last Tuesday, Oct. 15, sa edad na 82.

Wala pang inire-release na official statement ang pamilya tungkol dito, pati na rin ang detalye ng wake.

Kris tinapos na ang laban!

Finally ay natapos na rin ang legal battle nina Kris Aquino at magkapatid na Jesus and Nicko Falcis.

Si Kris mismo ang nagbalita nito sa kanyang Instagram post kahapon kalakip ang official press statement ng kanyang law firm.

“Ms. Kristina Bernadette C. Aquino, Mr. Nicardo M. Falcis II and Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences.

“To avoid any future misunderstanding, no further statement shall be forecoming,” ang nakasaad sa press statement ng Divina Law Firm.

Sa caption naman ni Kris, aniya ay iniiwan na niya ang chapter na ito ng kanyang buhay.

“LEARN from YESTERDAY... LIKE TODAY...but above all, make sure to LOVE TOMORROW.

“To permanently leave this chapter behind, and embrace all that lies ahead for me, comments for this post shall be turned off. You are FREE to discuss the statement from Divina  Law, just not on my feed,” ang caption ni Kris.

Matatandaang idinemanda ni Kris ang dating business manager na si Nicko noong October, 2018 ng qualified theft dahil sa paggamit umano nito ng kanyang credit card na nagkakahalaga ng 1.2M. May mga kaso nang na-dismiss at mayroon namang si Kris mismo na ang nag-atras at mayroon namang hanggang ngayon ay on-going pa.

Bukod dito ay nagkaroon din ang dalawa ng palitan ng mga maaanghang na salita along with Nicko’s brother na si Jesus.

Sa wakas ay natapos na rin ito lahat ngayon and they could all move forward now.

 

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with