^

Pang Movies

Shaina nanggulat sa pagiging palamura!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Shaina nanggulat sa pagiging palamura!
Shaina Magdayao

Nakatapos na rin si Alfred Vargas ng dalawang pelikula, ang Kaputol na tinatampukan nila ni Cherie Gil at ang Tagpuan, ang mainstream movie na nagbabakasakali na makasama sa Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Si Ricky Lee ang sumulat ng kuwento ng Tagpuan at si Mac Alejandre ang direktor.

Si Ricky ang nag-decide na Tagpuan ang final title ng pelikula na may dating pamagat na MNL-HK-NY.

Leading ladies ni Alfred sa Tagpuan sina Iza Calzado at Shaina Magdayao. Hindi pa puwedeng mapanood ang trailer ng Tagpuan hangga’t hindi sinasabi ng executive committee ng MMFF ang official entries para sa annual December film festival.

Puring-puri ni Alfred ang leading ladies niya sa Tagpuan. Ibang Shaina raw ang mapapanood dahil palamura ang karakter nito samantalang given na talaga na magaling na aktres si Iza.

Kung sakaling hindi palarin na makasali ang Tagpuan sa MMFF 2019, may ibang options si Alfred para sa pelikula na must watch kapag ipinalabas sa mga sinehan dahil napakaganda raw talaga.

Klea pinagtawanan lang ang pagiging ‘tomboy’

Pinagtawanan lang ni Klea Pineda ang tsismis na tomboy siya dahil babaeng-babae raw ang leading lady ni Jeric Gonzales sa Magkaagaw.

Iniintriga si Klea na nakita na dumalo sa Gay Pride March sa Marikina City na may kasama na tomboy.

So what kung may tomboy na kaibigan si Klea? Hindi lang naman siya ang aktres na na-sight na may tomboy na kasama sa mga lakad niya na hindi showbiz-related.

Babaeng-babae ang hitsura ni Klea nang makausap siya ng showbiz writers sa pocket presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa coming soon afternoon drama series na pinagbibidahan nila ni Jeric.

Maganda ang mukha at height ni Klea kaya noon pa siya kinukumbinsi ng mga reporter na subukan ang kapalaran niya sa beauty pageant.

Napangiti si Jeric Gonzales nang marinig nito na pinaghihinalaan na tomboy ang kapareha niya sa Magkaagaw.

Madalas na magkasama ang dalawa sa taping ng Magkaagaw kaya si Jeric ang makapagpapatunay na walang katotohanan ang bintang laban sa leading lady niya.

May mga hula nga na malaki ang posibilidad na magkagustuhan sa tunay na buhay sina Jeric at Klea dahil sa tambalan nila sa Magkaagaw.

Parehong lucky sina Klea at Jeric dahil mga bida na sila sa Magkaagaw. Kapareho sila ni Arra San Agustin na hindi nainip sa paghihintay ng big break nila sa telebisyon.

Alfred pinagsasabay ang taping at pag-aaral

May special participation sa Magkaagaw si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.

Si Alfred ang pag-aagawan nina Sunshine Cruz at Sheryl Cruz sa Magkaagaw.

Ang original plan, four taping days lang si Alfred pero naging sampu ang apat na araw dahil humaba nang humaba ang exposure ng karakter na ginagampanan niya.

Hindi naman nagkaroon ng conflict ang taping days ng Magkaagaw sa busy schedule ni Alfred bilang congressman ng 5th District dahil mahusay siya sa time management.

Like, recess na ang House of Representative kaya ang pag-aaral niya ang aasikasuhin ni Alfred. Isang linggo siya na magre-review dahil malapit na ang exams niya. Naka-enroll si Alfred sa University of the Philippines para sa kanyang Master of Public Administration Course.

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with