Aljur Abrenica at Kylie Padilla
Aljur at Kylie, libro ang naging libangan
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 30, 2019 - 12:00am

Twice pala na naging magkarelasyon sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla bago sila nag-decide na magpakasal.

Noong mag-break daw sila, ‘di pumasok sa mga isipan nila na magkakabalikan pa sila. It took a while, after all, bago sila nagka-reconcile, and finally decided to get married.

Their eldest, Alas, is turning three years old. Kasalukuyang buntis si Kylie with their second child.

Asked to describe his married life, when Aljur guested in Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, aniya it’s far from perfect. Just right. Exactly, the kind he envisioned when he was still single at ‘di pa man niya nakikilala si Kylie.

Mahilig daw sila na magbasa ng libro tungkol sa married life at pagiging magulang, at ito raw ang madalas maging libangan nila ni Kylie kapag silang dalawa lang. Dini-discuss nila ang kanilang mga nabasa and share their thoughts on it.

Since buntis nga si Kylie, si Aljur ang mas busy ngayon. He is in the cast of series na Sandugo nila ni Ejay Falcon plus Ariel Rivera, Gardo Versoza, Cherry Pie Picache at Vina Morales.

A Dreamscape Entertainment Production headed by Deo Edrinal, Sandugo is directed by Darnel Joy Villaflor and Ram Tolentino.

Two young ladies are in the cast bilang co-stars nina Aljur at Ejay, sina Jessy Mendiola at Elisse Joson.

Elisse nagulat kay Miles

Of Elisse, totoo bang nagulat siya sa balitang ang kasaluku­yang nililigawan ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si McCoy de Leon ay si Miles Ocampo?

Except that they are both Kapamilya contract talents, hindi close sina Elisse at Miles. Nauna actually pumasok sa showbiz si Miles, since naging mainstay siya until she turned 13 sa gag show na Goin’ Bulilit.

In the case of Elisse, she has been in showbiz for nearly four years pa lamang.

Lumikha ng ingay ang tambalan nina Elisse at McCoy noon when they both became housemates sa bahay ni Kuya in one edition ng Pinoy Big Brother.

Individually, though, naging busy din sila.

In the case of McCoy, for one, he became a regular member of the famous dance group na Hashtag. Nakasama rin siya sa cast  ng  FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco.

Isa rin si McCoy sa bida ng pelikulang G!, Pista ng Pelikulang Pilipino entry, directed by Dondon Santos.

In time, he might join the cast of the long-running sitcom, Home Sweetie Home bilang manliligaw ni Miles.

Miles has been with Home Sweetie…, since nagsimula itong isahimpapawid more than five years ago.

The series, directed by Edgar Mortiz, used to have in the cast John Lloyd Cruz, bilang asawa ni Toni Gonzaga.

Toni is still the lead actress ng sitcom, except na ngayon ay kasama na rin sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Rio Locsin at Luis Manzano, among others.

Featured din ang comedy partners sa loob ng bahay ni Kuya na sina YamYam at Fumiya.

Tirso mami-miss ang mga kasama sa General’s…

Tiyak daw na mami-miss ng husto ni Tirso Cruz III ang series na The General’s Daughter kung saan gumanap siya bilang kontrabida.

He claims to have learned a lot from his co-star sa series, lalo na raw sa young talents na kasama nya, kabilang na of course si Angel Locsin, na siyang bida ng serye plus sina Paulo Avelino, JC de Vera, Ryza Cenon, Loisa Andalio, Ronnie Alonte at Arjo Atayde.

He predicts for all of them a better and longer future in the industry.

Among the senior talents, tiyak na hindi raw niya makakalimutan sina Albert Martinez at Eula Valdez, lalo na si Janice de Belen, who plays his dominant wife.

But, most of all daw, si Maricel Soriano, who without batting and eyelash, refers to him as “Tanda” sa pabirong paraan.

Lalong naging maganda raw ang working relationship with their two directors, Manny Palo at Marvyn Brondial.

Magiging busier si Tirso since he is in the cast of the Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry, Miracle in Cell No. 7 with Aga Muhlach and the new series ni Judy Ann Santos, Starla.

ALJUR ABRENICA KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with