Vice Ganda
Vice, Coco at Vic nanguna MMFF hinuhulaan na ang mga kikitang pelikula
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 19, 2019 - 12:00am

Isang bilyong piso lang ang target na habulin ng Metro Manila Film Festival 2019 para sa kanilang festival sa Disyembre. Tinataya naman nilang makukuha nila iyan sa tatlong pelikula lamang.

Ang estimate ng ilang mga nasa MMFF, bagama’t iyan ay hindi isang official statement ha, inaasahan nila ang pelikula ni Vice Ganda na kikita ng P600 million. Kung makakasali, inaasahan nila na ang pelikula naman ni Coco Martin ay kikita ng mga P200 milyon, at si Vic Sotto naman daw ay siguradong aabot sa P100 million.

Walang duda na ang estimate nilang yan ay batay sa mga naging gross sales ng mga nasabing artista noong nakaraang taon. Masasabi niyong maliit ang target, dahil ang kinukuha lang naman nila ay ang Metro Manila gross, kasi Metro Manila lang naman ang kanilang festival.

Ang dahilan kung bakit kinukuha yan ay para malaman kung magkano ang paghahatian ng napakarami nang naghahati-hati sa kita ng MMFF, bukod nga sa ibinaba na ang rate ng amusement tax.

Kung kukuwentahin, siguro ang magiging nationwide gross ng mga pelikula, baka higit pa sa doble ng kanilang target ang maaabot nila.

Posible ring mabaliktad ang position ng hinuhulaan nilang top grossers. Sa kaso lang kasi ni Coco, bilang proteksiyon iyon sa FPJ’s Ang Probinsiyano, kaya hindi action ang ginagawa niyang pelikula. Kung gagawa lang si Coco ng action, sisira iyan ng box-office records lalo na sa mga probinsiya. Ang tingin kasi sa kanya ng publiko ay isang action star na eh.

Hindi mo rin masasabing hanggang doon lang ang kikitain ng pelikula ni Vic Sotto. Kung natatandaan ninyo, sa loob nang mahabang panahon siya ang laging top grosser diyan sa festival na iyan. Depende na nga lang siguro sa proyekto at kung papaano niya maipo-promote ang pelikula niya. Pero may magic iyan ha, kaya hindi sila makakasigurong third lang iyan.

Kung kami naman ang tatanungin ninyo kung sino ang lalabas na kulelat, may hula na kami.

Julie Anne kung kani-kanino na lang ipinapareha!

Sinasabi ngayon ni Rayver Cruz na ang love­team daw nila ni Julie Anne San Jose ay hindi nakakaapekto sa tunay na relasyon nilang dalawa ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez. Si Julie Ann San Jose naman, hindi raw niya sineseryoso ang love team nila ni Rayver.

Bakit meron ba talagang nabubuong loveteam? Yang si Julie Anne, kung kani-kanino na nila ini-loveteam yan, eh wala namang epekto eh. Ewan nga ba kung sino ang nagpipilit na gawin silang loveteam ni Rayver. May nabalitaan na ba kayong fans ng kanilang love team?

Sa tingin din namin, sumasayaw man sila o kumakanta, hindi sila bagay. Mukhang ang Channel 7 nga lang yata ang naniniwala na bagay silang love team eh.

Young actress sira na ang career dahil sa pabigat na boyfriend!

Umiiyak na daw ang isang young actress. Alam niyang hindi maganda ang personal niyang diskarte sa kanyang career ngayon at iyon ang dahilan kung bakit siya bumabagsak. Pero ang talagang dahilan ng kanyang maling diskarte ay ang kanyang boyfriend. Alam niyang pabigat sa kanyang career ang kanyang boyfriend sa ngayon, pero hindi naman niya iyon mabitiw-bitiwan pagkatapos ng lahat nang nangyari na sa kanilang dalawa.

Minsan talaga iyang mga love affairs nila ang nakakasira sa kanilang career. Hindi kasi pinag-aralan kung ano dapat ang limitasyon. Eh kung umabot na nga sa ganyan, papaano pa?

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with