Bea Alonzo
Bea pinaghandaan sina Gerald at Julia!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

Dumalo noong Sabado sa ABS-CBN Ball 2019 sina Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo.

I’m sure, kahit nasa iisang lugar sila, nagdedmahan ang tatlo at nagpanggap na hindi nila nakita ang isa’t isa.

Parehong mga solo flight na dumating sa nasabing event sina Bea, Gerald at Julia.

Sa tatlo, si Bea ang pinaka-winner dahil siya ang nagwagi ng best-dressed award. Gandang-ganda ang lahat kay Bea na stunning sa gown niya na creation ng fashion designer na si Jun Escario.

Ang sabi ng mga intrigera, baka talagang pinaghandaan ni Bea ang event para ipakita sa lahat na naka-move on na siya sa nangyari sa lovelife niya.

In fairness kay Bea, every year, pinag-uusapan at pinupuri ang hitsura niya sa tuwing dumadalo siya sa ABS-CBN Ball 2019.

Cristine at anak nakaw-eksena 

Kung terno ang mga damit ni Dra. Vicki Belo at ng kanyang anak na si Scarlet sa ABS-CBN Ball, twinning din si Cristine Reyes at ang anak nito na si Amara.

Hindi nagpakabog sina Cristine at Amara dahil dalawang beses sila na nagpalit ng damit na identical din.

Gaya ni Scarlet, first time ni Amara na mag-attend sa ABS-CBN Ball kaya nakuha nila ang atensyon ng mga reporter at photographer na nag-cover ng event.

Richard pansin na pansin sa suot na barong

Sa mga aktor naman, si Richard Gutierrez ang napili na best-dressed. Bonggang-bongga ang barong Tagalog na suot ni Richard at nag-stand out siya sa lahat dahil magaling siya na magdala ng damit.

Pumayat din si Richard kaya lalong uma­ngat ang kaguwapuhan niya. Parehong winner sa ABS-CBN Ball sina Richard at Bea Alonzo na magkapareha sa bagong pelikula ng Star Cinema at sa coming soon primetime television series ng ABS-CBN.

In full force din ang attendance ng Gutierrez family dahil si Raymond ang emcee sa red carpet at dumalo rin sina Ruffa at Sarah Lahbati.

Virus ng ubo uso na naman!

Hay naku Salve knock-out ako buong Friday at Saturday ha. Para bang ang bigat ng katawan ko at masakit sa dibdib sa tuwing umuubo ako.

Talagang kahol ako nang kahol tuwing madaling araw kaya pagdating nang umaga knock out ako dahil nga sa puyat.

Bongga talaga ang virus ng ubo ngayon, hindi ko tuloy nalaman na inihatid ni Jojo ang passes ko ng Pista ng Pelikulang Pilipino, nabigyan ko sana siya ng mga gift certificate.

Ayoko ng ganitong sakit, napaka- uncomfortable at nakakatakot ang alon ng dibdib dahil sa sobrang ubo.

Sana huwag nang maulit dahil hindi ko talaga kaya at gusto ko tuloy na lumabas ng bahay at mang-intriga para may kasabay ako na masama ang feeling. Hahaha, joke, joke!

Type ko lang naman na magpabebe na kapag nagkasakit, akala mo big deal. Thank you sa passes ko ng PPP, Film Development Council of the Philippines Madam Chair Liza Diño. It’s highly appreciated, thank you.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with