Deborah Sun dumepensa pa sa positive result ng drug test

Deborah Sun

Handa raw si Deborah Sun na sumailalim sa drug test kapag nakalaya na siya mula sa pagkakakulong sa Station 8 ng Quezon City Police District.

Consistent si Deborah sa statement nito na hindi siya gumagamit ng illegal drugs pero paano niya ide-deny ang lumabas na dokumento na nagpapatunay na positive ang drug test sa kanya noong Linggo?

Bukod sa akusasyon na drug user si Deborah, marami ang nagulat sa balita na kasama sa mga dinakip ang kanyang 45-year old daughter. Sixty years-old na ngayon si Deborah kaya may mga nagtatanong kung naging nanay na siya sa edad na fifteen dahil 45-years old na nga kanyang anak na kasama niya na nakakulong sa Station 8 ng Quezon City Police District.

Kailangan ngayon ni Deborah Sun ng tulong para makalaya siya.

May mga nagkomento na baka puwedeng i-guest ni Coco Martin si Deborah sa Ang Probinsyano bilang tulong sa veteran actress.

Hindi na kailangan ni Deborah na umapir sa primetime television show ni Coco sa ABS-CBN dahil nag-guest na siya sa nasabing programa at Maria ang name ng karakter na ginampanan niya.

Ysabel malaki ang iginanda

Ang laki ng iginanda ni Ysabel Ortega nang makita ko siya sa presscon ng The Gift.

Blooming na blooming ang beauty ng anak nina Senator Lito Lapid at Michelle Ortega. Obvious na inspired siya bilang Kapuso star at excited sa mga mangyayari sa bagong chapter ng kanyang acting career.

Good luck kay Ysabel na siguradong enjoy sa taping ng The Gift dahil mababait ang kanyang mga co-star. Malaking karangalan din kay Ysabel na makatrabaho si Alden Richards sa ­unang regular television series niya sa GMA 7.

Happening sa showbiz, sunud-sunod

Dalawa ang presscon kahapon, ang Season 2 ng The Clash ng GMA 7 at ang presscon ng Tough Mama para kay Marian Rivera.

Bongga ngayon ang mga happening sa showbiz at nakakatuwa na marami ang mga presscon na pinupuntahan ng showbiz press na active na active lalo pa nga at parating na ang Pasko.

Dapat na mag-ingay talaga ang mga bagong programa sa television at ang mga bagong produkto para magkaroon ng awareness ang early Christmas shoppers.

Kahit sinasabi ng iba na mas umiiral na ngayon ang individual taste ng karamihan kaya hindi na sila naniniwala sa hype, kailangan pa rin nila ang suporta ng writing press para sa anumang bagay na ilulunsad sa market.

Show comments