Alden papalit kay Jennylyn
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 10, 2019 - 12:00am

Nami-miss naman ng mga sumusubaybay ng Starstruck ang co-host ni Dingdong Dantes na si Jennylyn Mercado. Muli, dalawang gabi siyang absent last September 7 & 8 sa show.

Baka abala lamang si Jennylyn sa mga huling taping days ng Love You Two nila ni Gabby Concepcion na nasa final week na ngayon at magwawakas na sa Friday, September 13. 

Sa Love You Two ipapalit ang bagong te­leserye ni Alden Richards, ang The Gift simula sa Monday, September 16.

StarStruck finalists emosyonal

Natapos na ang acting tests sa finalists ng original artista search ng GMA Network na Starstruck last Sunday at nai-announce na ni Dingdong Dantes ang bubuo sa Final 4 para sa Final Judgment this weekend ng show.

Ang Final 4 ay sina Shane Sava at Lexi Gonzales for the females at sina Allen Ansay at Kim de Leon sa males.

Nang finally ay hiningan na ng message ni Dingdong ang apat, hindi na sila nakatiis na maging emosyonal. Mula kasi sa ilang libong nag-audition sa iba’t ibang lugar sa bansa, heto at sila na lamang apat ang natira.

Pipiliin na sa Final Judgement sa Sunday, September 15, ang tatangha­ling Ultimate Male at Ultimate Female Survivors.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with