Tukaan nina Rowell at LT mas inaabangan na kesa kina Coco at Yassi?!

Rowell Santiago at Lorna Tolentino

MANILA, Philippines — Epektib pa rin ang pakilig ng loveteam nina Rowell Santiago at Lorna Tolentino sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Lalong tinutukan ang dalawa nang magkaroon ng kissing scene, na ikina-relate naman ng maraming matatandang manonood. Sabi nga nila eh, mas inaabangan na ata silang dalawa kesa kina Cardo at Alyanna na role nina Coco at Yassi Pressman.

Samantala, kontra naman ang karakter ni Whitney Tyson sa kanilang dalawa dahil alam niya ang tunay na ugali ng karakter ni LT!

3 beauty queens nagpapatalbugan sa Killer…

Tatlong former beauty queens ang nagpa-patalbugan ng acting sa seryeng The Killer Bride ni Maja Salvador, ito ay sina Lara Quigaman, Ariella Arida at Aurora Sevilla.

Talagang ibinubuhos ng tatlo ang kanilang galing sa pag-arte dahil mataas ang ratings ng serye nila ngayon.

Marami naman ang nakapansin na puwede palang pangkontrabida rin si Aurora.

Samantala, nakatsikahan ko si Keanna Reeves, madalas daw niyang napapanood sina Janella Salvador at Joshua Garcia, at ayon sa kanya, ang guwapo ni Joshua, para raw itong batang John Lloyd Cruz.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings to August and September celebrants:

Max Collins, RS Francisco, Divina Valencia, former Senator Eddie Ilarde, Rochelle Pangi-linan, Sunshine Garcia, Atty. Nick Langit, Joel Gorospe, Ahwel Paz at Azenith Briones.

Show comments