Matapos ang operasyon sa tuhod Cherie Gil rebooted na uli ang pakiramdam!

Successful ang naging knee surgery ng award-winning actress at Starstruck council na si Ms. Cherie Gil.

Sumailalim sa isang meniscus tear surgery si Cherie noong nakaraang August 19 at pinost pa niya sa Instagram ang naging maayos na surgery niya at feeling “rebooted” siya.

“I am now rebooted and given a clean bill of health along with a new pair of knees ready to face the next marathon of this new chapter of my life. THANK YOU ALL #onward

“Ps and to @MMC thank you for the care, the facilities and top notch doctors. This is the longest post I ever written! Because #healthiswealth guys! BUT at the end of the day.. love and laughter is still the best medicine.”

Ang Meniscus tears, which affects the knee cartilage, ay isang common knee injury sa mga athletes at nangyayari ito as people age.

Ito ang second time na dumaan sa naturang knee surgery si Cherie. Una siyang nagpa-opera noong February 2018.

Sa edad na 56, aktibo pa rin si Cherie, hindi lang sa pag-arte sa TV, stage at pelikula, kundi sa kanyang active lifestyle which includes running, biking, swimming and gym workout.

Paolo noon pa out

Hindi na raw kailangan ng bida ng Panti Sisters na si Paolo Ballesteros na mag-officially out siya sa kanyang gender preference dahil alam na raw ng maraming tao kung ano talaga siya.“Kung ano yung nakikita mo, ganun yung pananaw ko sa sarili ko. Hindi mo kailangan i-chururot-churorot.

“Ayaw ko gumawa ng issue na ganun, na it’s a big issue. Naka-swimsuit na nga eh. Ano pa ba ang kailangan? Ganito rin naman ako kahit dati pa,” natatawang paliwanag pa ni Paolo.

“Hindi naman naging issue sa akin kung ano ba ako. Ginagawa ko lang ‘yung work ko, hindi naman ako nagpapa-girl sa normal na buhay…Alam ko, alam nila who I am.

“Kung sa film, siyempre kung ano ‘yung character, ‘yun ‘yung gagawin.

“Kung lalaki, kahit mahirapan, eh di panglalaki. Mahirap din yung pambakla, pero mas mahirap yung lalaki.”

Angelina Jolie pigil ang pag-iyak nang ihatid ang anak sa Korea

Pinipigil ng bida ng pelikulang Maleficent: Mistress of Evil na si Angelina Jolie ang kanyang pag-iyak nang ihatid na niya ang kanyang eldest son na si Maddox Jolie-Pitt sa Yonsei University in South Korea.

Sa naturang South Korean university mag-aaral ng biochemistry course ang 18-year old na si Maddox.

Kahit na busy sa kanyang maraming trabaho si Angelina, gusto niya na personal niyang ihatid si Maddox sa college dorm nito kung saan ito titira hanggang sa makatapos ito ng kanyang kurso.

“I leave today, today’s the day I drop him off. I’m trying not to cry,” sey pa ni Angelina sa isang video na pinost sa Instagram.

Ayon sa People magazine, very proud daw si Angelina sa pag-aaral ni Maddox sa ibang bansa. Puwede naman daw itong mag-aral sa anumang university sa Amerika, pero pinili raw nito ang mag-aral abroad.

Show comments