Sue aarangkada sa Cuddle… nila ni RK!

Ang ganda ng concept ng Cuddle Weather, ang pelikula nina RK Bagatsing at Sue Ramirez.

Talagang after na maranasan natin ang sunud-sunod na pag-ulan kaya nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa simoy ng hangin, masasabi talaga na cuddle weather ang paligid.

Madalas ko na napapanood si RK Bagatsing at tulad ni Raymond Bagatsing na half-brother niya, pareho sila na competent actors.

Si Sue Ramirez, mukhang aarangkada ang career dahil sunud-sunod ang movie projects.

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula ng Regal na talagang kahanga-hanga dahil sa patuloy na suporta sa Philippine movie industry.

Kahit kailan talaga, hindi mawawala ang pagmamahal ni Mother Lily Monteverde sa movies. Dapat na nga siguro na gawin siya na National Artist dahil sa dami ng kanyang contributions sa Philippine Cinema.

Suportahan po natin ang Cuddle Weather na showing sa mga sinehan sa September 13 at official entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Raffy Tulfo nakakatuwa ‘pag nauubusan ng pasensiya

Gustung-gusto ko na nakikinig sa radio program ni Raffy Tulfo. Bongga ang direct language na ginagamit niya na magandang human study ng mga tao na nagko-complain at nagpapatulong sa kanya.

Makikita sa programa ni Papa Raffy kapag one-track mind ang isang tao. Kahit ano ang paliwanag ni Papa Raffy, hindi siya naiintindihan dahil naka-set na ang mind ng kausap niya.

Ang sarap sumali sa discussion kapag matigas ang ulo ng kausap ni Papa Raffy at halos mawala na ang kanyang pasensya dahil hindi makuha ang paliwanag niya.

Kapag sumali ako sa diskusyon nila, sure ako na lalong magiging magulo ang usapan.

Ang cute din kapag on air na pinagagalitan ni Papa Raffy ang kanyang mga personal assistant gaya ni Odette.

‘Yun siguro ang charm ni Papa Raffy, ang colorful language niya kapag nauubos ang kanyang pasensya kaya bagay ang tandem nila ni Niña Taduran, fire and wind.

‘Yung fire ni Papa Raffy, hinihipan ni Mama Niña ng hangin para huwag lumaki. Love ko ang radio program mo Papa Raffy, bongga. Kapag may complain ako, go agad ako diyan.

Koreanovela gamot sa boredom

Kapag tumatanda na ang isang tao, medyo erratic na ang mga desisyon nila.

Tulad ko, dahil nga siguro 72-years old na ako, may times na tinatamad ako sa routine ng schedule ko.

Noong una, dalawa ang radio programs ko at naka-phone patch lang ako tuwing magre-report. Ewan ko ba kung bakit tuwing tatawag si Greg, bigla akong tatamarin, so inalis ako sa oras ni Deo Macalma.

Now, nasa DZBB ako with Arnold Clavio and Ali Sotto pero tuwing tatawag si Mico, may tamad factor naman ako so mas madalas wala ako kesa on air.

Basta ang mga oras na regular na dapat may gawin ako o trabaho, bigla akong tinatamad. Tini-test yata ang aking sense of duty at disiplina.

Basta gusto ko lang,’yung spur of the moment interest like itong Instagram na kapag biglang may naisip ako, text agad ako ng ipo-post.

Kapag nasa traffic ako at wala akong magawa, biglang gusto ko na mag-text ng ipo-post ni Salve. Ganoon lang ang mga nakaka-excite sa akin, ang once a month meeting, ang presscons para sa election, mga biglaan na tsikahan with friends,basta gusto lang ng katawan ko kaya nga, ang number one gamot sa boredom ko ang mga Koreanovela.

Naku bad traits talaga ang mga naipon ko ngayong senior citizen na ako. Basta gusto lang ng body ko, panay higa, tulog at watch sa Ipad.

Show comments