Gabby ‘di lugi sa one day shooting ng pelikula nila ni Kris

Gabby Concepcion

Bayad ang one shooting day ni Gabby Concepcion para sa (K)Ampon, kahit hindi na matutuloy ang pagsali nito sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

Kung nabigyan na si Gabby ng downpayment, may valid reason siya na hindi ibalik ang datung dahil hindi naman niya fault na nagkaroon ng problema sa pelikula.

Kahit anak mayaman, Javi hindi nagpaka-modern kid

Ewan ko ba Salve kung bakit hindi ko nakalimutan ang sagot ni Javi Benitez na anything that will affect her mom emotionally, will affect him.

Touching ang pagmamahal ni Javi sa mother niya, at for a guy na nag-aral sa abroad na dapat medyo liberal na ang outlook sa life, medyo may pagka-old fashion ang kanyang virtues at very loving as a son ang dating niya.

Biglang I saw Javi in a different light. Akala ko modern kid siya dahil nag-aral sa abroad. Akala ko happy go lucky pero makikita ang seriousness sa kanyang mga mata.

Totoo ang sinabi nina Christopher de Leon at Tonton Gutierrez, Javi has the ‘IT’ of a serious actor dahil sa sensitivity niya.

Looking forward ako sa kanyang movie, ang Kid Alpha One na pinaghirapan niya nang husto dahil sa training sa mga action scene.

Welcome Javi Benitez at salute for your love to your Mom. She is so proud of you, I am sure.

‘Contentment is the only key to happiness’

Dahil kay Kris Aquino, pinanood ko ang Koreanovela Salve na Chief of Staff. Isang bagay na napansin ko, kapag medyo mature na ang tao, iba na ang interpretation nila sa kanilang mga nababasa at napapanood kesa noong bata pa sila.

Kapag bagets ka pa, nagustuhan mo lang ang nabasa at napanood mo dahil sa mga bida at istorya. Kumbaga, ‘yung façade lang ang naintindihan mo.

Hindi mo nakuha ng buo ang heart ng story at hindi na-digest ang inner message. Kapag medyo mature ka na, lahat ng meaning pumapasok sa utak at puso, nakukuha mo ang subtle message na gustong iparating ng story.

Ang kuwento ng Chief of Staff deals with ambition na nagbibigay ng envy at greed sa puso ng tao. Gagawin nila ang lahat para makuha ang mga bagay na kanilang gusto, kahit masaktan o i-sacrifice ang konsensya.

Along the way, nag-iiba ang pagkatao nila dahil sa kagustuhan na matupad ang kanilang mga ambisyon.

Kinakain ng greed ang personalidad mo. In the end, pag nakuha mo na ang gusto mo, does it really makes you happy? Ito ba ang happiness na gusto mo? Is it worth it?

Hindi rin pala masarap mag-ambisyon ng sobrang taas. At totoo nga, never maging completely happy ang isang tao kapag palagi siyang may hahanapin at gustong makuha. Contentment in whatever you have or place is the only key to happiness.

Show comments