Kris magliliwaliw sa Bora para ‘makalimot’
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

Ngayon  pala dapat ang simula ni Kris Aquino ng shooting ng movie niyang (K)Ampon para sana sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. But since hindi na nga nila pwedeng gawin ng Quantum Films na co-producer siya, ang horror movie, minabuti niyang pumunta na lamang ng Boracay as her post sa kanyang Instagram:“Since I feel we’re a community here sa IG, I have questions... i’m taking the 2 boys on the 20th to Boracay (para hindi na lang maisip na yun dapat ang 1st shooting day) – i know maraming changes. So please guide us?”

Nagtanong siya kung may electric tricycles pa roon dahil gusto iyon ni Josh, kung allowed pa raw ang jet ski na gusto nina Bimb at Joshua.  Kung malakas daw ang signal, Smart or Globe, may good hospital daw for urgent care or dapat niyang dalhin ang lahat ng kanyang emergency supplies. Tanong din niya kung malakas ang tubig, electricity at kung available ang generators. At kung malakas ang wifi sa hotel.

Maraming netizens ang sumagot kay Kris, meron pa raw electric tricycles pero sa Bolabog beach only. May mga clinic and hospital daw pero hindi sure kung paano sila makaka-accommodate. May highend hotels naman na sumasagot sa specifications niya.

About (K)Ampon, since pumayag na rin si Gabby Concepcion na makatambal niya, bakit hindi na lamang ituloy ni Kris at ng Quantum Films ang paggawa ng movie na pwede naman nilang ipalabas bago ang MMFF sa December or after ng festival sa January, 2020. Ginawa na iyan nina Vic Sotto at Vice Ganda noong hindi nakapasa sa MMFF ang kanilang entries at kumita naman sila nang malaki.

Barbie at Jak bibida sa Wagas

Tiyak na ikatutuwa ng fans nina Barbie Forteza at Jak Roberto ngayong may bagong project silang pagtatambalan sa GMA Network after less than two months silang natapos sa fantasy drama nilang Kara Mia.

Nag-post na ang GMA ng “a new GMA series is in the works! Stay tunes, mga Kapuso.” Nasa picture sina Barbie at Jak, kasama sina Kristoffer Martin, Yayo Aguila, Tina Paner at Rey Abellana. 

Hindi nila sinabi kung anong project ito, pero malamang ito ang episode nila ng Wagas na sinabi ni Jak noon na susunod nilang gagawin, ipalalabas lamang ito for two months, pero araw-araw na itong mapapanood sa umaga, bago ang Eat Bulaga.

Dati ay ipinalalabas ito sa GMA News TV every Saturday evening.

Ultimate survivor malapit nang makilala

Seven finalists na lamang ang naiwanan sa Starstruck last Sunday evening, August 18, matapos matanggal si Jeremy Sabido at na-save si Pamela Prinster na nasa lowest score din. Apat pang girls ang natitira sina Shayne, Dani, Lexi at Pamela.  Tatlo naman sa mga boys ang natitira, sina Kim, Allan at Abdul.

Nalalapit na sa pagpili ang Starstruck Council ng magiging Male at Female Ultimate Survivors sa mapipiling Final 4.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with