Drew Barrymore love na love ang Pinay chef na si Pilar Valdes
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

Binahagi sa akin ni Garlic Garcia (former scriptwriter sa ABS-CBN) and friends to a lot of celebrities ang post ng Hollywood actress na si Drew Barrymore tungkol sa Pinay chef na si Pilar Valdes.

Ang bongga nga dahil pinost ni Drew ang picture na magkasama sila ni Pilar na ang caption ay, “Cannot love this women more, my Pilar @kickshawcookery all we do is make beautiful food together! She is my hero.”

Sabi ni Garlic sa pinadala niyang voice message sa akin, “Pilar Valdes is the sister of world renowned jewelry and bag designer Bea Valdes. Pilar has been in New York making her way in the culinary scene as the owner of Kickshaw Cookery. And today, she is the personal chef of Hollywood celebrity Drew Barreymore. And yesterday, Drew posted on her Instagram account a tribute to Pilar. Another Filipina that we all can truly celebrate, making waves in the global scene!”

Wow, ang bongga!

Naku, Ateng Salve, kapag nagpunta tayo sa New York City, dapat go tayo sa restaurant ni Pilar Valdes dahil sabi nga ni Garlic, super nice ang girl na ‘yan, huh!

Nakaka-proud, sa totoo lang! bumuhos ang pakikiramay…

Alam mo, Ateng Salve, hindi ako nagkaroon ng chance na makilala nang personal si Ms. Gina Lopez, pero nang kumalat kahapon ang balitang yumao na siya dahil sa brain cancer, sobra akong nalungkot.

Palagi ko kasing pinapanood ang G Diaries niya sa ABS-CBN.

Enjoy akong panoorin siya sa pagho-host ng mga magagandang ginagawa niya para sa ating kapaligiran, kalikasan at mga kababayan.

Si Gina ang nagtatag ng ABS-CBN Foundation, Inc., ng Bantay Bata 163, pati ang Bantay Kalikasan.

Sa mga kuwentong narinig at naririnig ko sa mga nakakakilala ng personal kay Gina, mabait talaga siya.

Kahapon nga, bumuhos sa social media accounts ng iba’t ibang celebrities, politicians, goverment officials, kahit ng mga simpleng tao ang pakikiramay sa pamilya Lopez dahil sa pagyao ni Gina.

Ruffa nai-stress pa rin sa birthday ng anak

Bale 12 days na lang at magaganap na ‘yung Sweet 16 birthday event ng panganay ni Ruffa Gu­tierrez na si Lorin.

Mukhang pare-parehong busy na sina Ruffa, Annabelle Rama, Raymond Gutierrez at ang iba pang members ng pamilya Gutierrez dahil kahapon, ni isa sa kanila ay walang sumagot nang mag-message ako at mangumusta.

Actually, the last time na naka-text ko naman si Ruffa ay sinabi niyang sobrang stress na nga raw sila para sa event na ‘yon ng kanyang panganay.

Mabuti na nga lang at hindi pa siya nag-i-start sa taping ng Love Thy Woman, kaya naman nagagawa niyang tutukan ang party ng kanyang teenager na anak, huh!

DREW BARRYMORE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with