^

Pang Movies

Sunshine wala na sa bokabularyo ang kasal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine wala na sa bokabularyo ang kasal

Hindi na nga affected si Sunshine Cruz ngayon sa ano mang tsismis na may kaugnayan sa kanyang past relationships. Para sa kanya wala na siyang pakialam sa mga bagay na iyon. Sinasabi nga ni Sunshine, nalampasan na niya ang parteng iyon ng kanyang buhay at ano man ang kanyang marinig sa ngayon ay hindi na siya affected.

Marami kasi ang nagtatanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa mga kumakalat na tsismis na naman lately tungkol sa dating asawa. Ang reaction naman ni Sunshine, wala na siyang pakialam doon. Hindi na rin siya dapat makialam. In the first place, naideklara na ngang annulled ang nauna niyang kasal. Ibig sabihin, legally wala na silang relasyon. Iyong annulment ang ibig sabihin kahit na may naganap na kasalan, walang bisa iyon from the start, hindi pinawalang bisa lang. Kaya kung iisipin nga naman, wala na siyang dapat sabihin sa mga bagay na nangyari bago o habang sila ay nagsasama pa, at lalo na ngayong hiwalay na sila.

“Siguro ang may karapatan na lang magsalita ay iyong mga bata dahil anak sila, pero sa palagay ko hindi na rin naman sila interesado sa mga bagay na iyon o makialam pa,” sabi pa ni Sunshine.

Sa ngayon, masaya na si Sunshine sa kanyang buhay. Hindi rin naman niya itinatago na inlove siyang muli. “Pero wala namang need na magpakasal kami agad. Hindi naman namin kailangang magmadali. Sa ngayon sinisiguro muna naming magiging maayos ang pagsasama ng aming mga pamilya, na ok naman sa tingin namin but still hindi kailangang magmadali,” sabi ng aktres.

Sa ngayon inaamin nga ni Sunshine na ine-enjoy pa niya ang kanyang single life, na na-miss niya dahil sa maaga niyang pag-aasawa noon. Ngayon nga naman wala siyang iniintinding responsibilidad kung hindi sa mga anak lang niya na mas okay sa kanya.

Pagpalit ni Gabby kay Derek sa pelikula kay Kris, butata

Kung naging madali na ang pagsibak kay Nadine Lustre, na pinalitan ni Bela Padilla sa kanyang festival movie, iba naman ang nangyari kay Gabby Concepcion. Binutata ng Metro Manila Film Festival si Gabby na sinasabing papalit sana kay Derek Ramsay sa isang pelikula. Kasi nga nakita ni Derek na mahihirapan siyang gawin ‘yun kaya inayawan niya.

Payag naman si Gabby na saluhin ang tinanggihang role ni Derek, pero iyon nga, binutata sila ng MMFF dahil ang notice sa pagpapalit ay lampas na sa deadline ng festival.

Kung napaaga-aga sana ang pagtanggi ni Derek na gawin ang pelikula, at pagpayag naman ni Gabby baka walang problema. Kaso hindi ganoon ang nangyari.

Masasabing wala talagang suwerte ang proyektong iyan.

May nagsasabi raw na i-apela iyon, pero kung mangyayari iyon, alisin na nila ang mga deadlines nila kung hindi rin naman pala masusunod at may mabibigyan ng accommodations.

Aktres naiyak sa hulang magkakaroon ng maraming asawa

Umiyak na naman daw ang isang female star. Habang nagbabakasyon kasi sa abroad, may pinuntahan silang isang magaling na manghuhula. Sinabi raw ng manghuhula na marami siyang magiging asawa dahil maraming beses din siyang hihiwalayan ng magiging mga asawa niya.

Kamalas-malasan namang hula iyan. Minamalas na nga sa kanyang career ngayon ang young female star, mamalasin pa pala siya hanggang sa kanyang personal na buhay hanggang sa pagtanda niya. Kung sabagay, may mga bagay talagang pinaniniwalaang may taglay na malas.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with