^

Pang Movies

Alden itatapat kay Coco

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Alden itatapat kay Coco

Ang pictorial ng The Gift, ang bagong series ni Alden Richards sa GMA 7, noong Thursday.

Nag-post sa kanyang Facebook account si Helen Rose Sese, program manager ng series, ng ilang pictures na kuha sa pictorial na ‘yon.

Excited na raw sila sa The Gift.

Nag-pictorial na, kaya mukhang isasalang kaagad ng GMA 7 ang series ni Alden na kasama si Jo Berry (ang nagbida sa Onanay).

Mukhang magandang follow-up project din for Jo ang nasabing series.

Bagay nga raw silang pagsamahin ni Alden.

Ang nasabing series ba ang ipangtatapat nila sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa ABS-CBN?

Well...

Actor/Politician grabe mang-flood!

“Flooder” ang actor/politician na ito.

Grabe kasi siyang mag-post ng pictures at videos sa kanyang social media accounts, huh!

Parang ang sarap daw i-unfollow ni actor/politician dahil napupuno ng pictures at videos niya ang feed ng kanyang followers.

Martin at Pops nakakapagod sa sked ng Concert Tour sa US

Nasa Atlantic City, New Jersey na sina Martin Nievera at Pops Fernandez para sa Two-gether Again show nila roon ng Friday evening (Saturday morning sa Philippines).

From East Coast, fly kaagad sila ng Saturday morning sa California dahil sa Chumash Casino naman sila may show.

Sa Santa Ynez ang Chumash Casino, kaya parang nakakapagod ang schedule ng kanilang US concert tour, pero happy naman ang dalawa dahil palaging sinasabi sa kanila na malakas ang benta ng tickets ng kanilang shows.

Bea, Richard at Angelica ‘di pa makapag-umpisa

Hindi pa makapag-start ng shooting para sa kanilang Star Cinema movie sina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban dahil hinihintay pa ang final script.

Matatapos daw ‘yon end of next week pa, kaya malamang na in two weeks times ay mag-shooting na sila.

Ganado na raw silang simulan ang shooting ng pelikulang ‘yon.

‘Yun na!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with