Sarah Geronimo
Career ni Sarah tumamlay?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Marami ang nakakapansin, simula nang manalong Best Actress si Sarah Geronimo at saka pa mukhang tumamlay ang kanyang career. Sinasabing may bago nga siyang pelikulang ginagawa, pero wala halos tayong naririnig na balita. Ano na nga ba ang nangyayari kay Sarah?

Matagal na rin namang wala tayong naririnig na bagong hit song ng Popstar Royalty.

Wala ngayong nasasabi kundi ang mga junket niya kasama ang boyfriend na si Matteo Guidicelli. Kung sabagay masasabi nga sigurong kailangan din naman niyang magpahinga dahil may panahong sobra naman ang kabi-kabila niyang trabaho.

Pero may masama rin namang impact iyang masyadong mahabang bakasyon. Isa pa, maliwanag na kung naglalakwatsa man si Sarah, kasi may time siya na maglakwatsa na ibig sabihin noon, kaunti rin ang trabaho.

May nagsasabi tuloy, mukhang nakasama pa kay Sarah ang panalo niyang best actress. Kasi nga hilaw. Nanalo ang kanyang ka-tie na si Kathryn Bernardo ng dalawang awards, walang ka-tie sa ikalawa. Nanalo si Nadine Lustre ng tatlong beses at awards pa iyon ng mga kinikilalang kritiko. Mukhang ang naging panalo ni Sarah ang sabit lang.

Pero sayang, magaling na artista si Sarah, at hindi natin maikakaila na kumikita ang kanyang mga pelikula. Hindi nga lang siya umabot doon sa mga record breaker na kagaya ng mga pelikula ngayon ni Kathryn, pero wala namang nabalitang pelikula niyang nag-flop kagaya ni Nadine.

Sana sumigla naman ang career ni Sarah.

Marjorie nilaglag na rin ng mga taga-Caloocan

Malakas ang tawa namin sa isang internet post na aming nakita, may nagsabi kasi na todo suporta sila kay Gretchen Barretto sa controversy nito ngayon. Tinawag pa nga nilang “reyna” si Gretchen at ang sinasabi nilang grupo nila ay “Team Caloocan”. Pinasalamatan naman ni Gretchen ang kanilang support.

Pero kaya kami natawa, hindi ba ang identified sa Caloocan City ay ang kapatid niyang si Marjorie na naging konsehal pa ng lungsod. Hindi nga ba maliwanag na siya ay residente ng Caloocan simula pa noong panahong nagsasama pa sila ni Dennis Padilla na naunang naging konsehal doon? Bakit ngayon iyang nagsasabing sila ay Team Caloocan kampi kay Gretchen na hindi naman tumira sa nasabing lungsod?

Mapag-iisipan mo kung bakit nga ba.

Aspiring actor bidang-bida sa porn site

Marami na naman ang na-shock, kasi biglang lumabas doon sa website na Pornhub ang isang solo sex video ng isang male model na nag-aartista na rin ngayon. Matagal nang natsismis na mayroon nga raw ganyan, pero nagtataka rin kami kung sino ang nagkakalat, at ngayon nga ay may malinaw na kopya pa doon nga sa Pornhub.

Noong una, malabo ang lumabas na kopya ng video, kaya mag-iisip ka pa kung siya nga ba iyon, pero sa ipinakita sa aming bagong kopya,walang duda na siya nga iyon. Papaanong build up pa kaya ang gagawin sa kanya ng kanyang network kung nagsisimula pa lamang siya ay may ebidensiya na ang kanyang ginawang kalaswaan?

Pang-goons na lang ang role niya niyan, at aywan kung may kukuha pa sa kanya sa commercial endorsements pagkatapos na kumalat iyang sex video.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with