Sapatos ni Terrence swak na pamasko

Terrence Romeo

Sure ako Salve na maraming magbibigay na regalo ng mga sapatos sa darating na Christmas at sure ako na isa sa mga pinakamabili ay ang rubber shoes na ini-endorso ni Terrence Romeo.

Marami ang gandang-ganda sa rubber shoes na ginagamit ni Terrence kaya isang magandang idea na ito ang ipamigay sa Pasko bilang regalo.

Kung bibigyan ng Terrence Romeo shoes ang mga pulis, dapat ang lahat ng mga miyembro ng police station ang bigyan para lahat sila, pare-pareho ang sapatos.

Sigurado ako na marami ang mag-o-order ng TR shoes kay Pia, ang legal wife ni Terrence.

Nag-place na ako ng order Salve, para hindi maubusan mga taga-Take It… Per Minute! (Me Ganun) dahil TR shoes ang gift natin sa kanila.

Bongga di ba?

Youtubers na-hook na rin sa TIPM

Dahil bobo ako sa technology, may nag-text sa akin na may subscribers na rin tayo sa YouTube sa Take It... Per Minute! (May Ganun) show.

Sa YouTube raw nanonood ang ibang mga subscriber ng show namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

At dahil sa aming online show sa Facebook, nalalaman ko na ang kaibahan ng subscriber at ng views kaya baka i-try ko na rin ang Facebook.

Sana, maging subscribers na rin ng Take It… Per Minute sa YouTube ang 93K followers ko sa Instagram.

Honestly, nakaka-enjoy naman ang trabaho natin sa Take It…Per Minute,  kahit once a week at isang oras lang kami na nagkakasama dahil iba na ang bonding ng ating production.

I like it na sa Obra ni Nanay lang tayo, very homey ang atmosphere, kilalang-kilala na natin sina PJ at Richie, love na love na natin sina Tina Roa at Japs Gersin, tight na rin ang samahan namin nina Cristy at Mr Fu.

Sana nga, mas dumami pa ang manood sa atin kahit sabi ko nga, walang wawa ang mga ginagawa natin na para bang nag-uusap-usap lang tayo at nagtatawanan.

Please enjoy us because we enjoy you watching Take It... Per Minute! (May Ganun) na promise, seseryosohin na namin.

Prima Donnas kaabang-abang

Tonight na ang grand presscon ng Prima Donnas, ang upcoming afternoon drama series ng GMA 7.

Starring sa Prima Donnas sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan, ang mga future big star ng Kapuso network.

Mapapanood ang Prima Donnas simula sa August 19 at ito ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Bihag na magwawakas naman sa August 16.

Si Gina Alajar ang direktor ng Prima Donnas na tiyak na kaabang-abang dahil sinubaybayan at sinuportahan ng televiewers ang huling television project niya sa GMA 7, ang Onanay.

Show comments