Rico ipinagkatiwala na sa Viva ang mga gawang kanta
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Nagdesisyon ang Philippine alternative rock legend at songwriter na si Rico Blanco na ipagkatiwala ang ilan sa mga sikat niyang kanta sa Viva Music Publishing tulad na lang ng hit songs niyang Liwanag sa Dilim, Your Universe at Antukin.

Hindi matatawaran ang naiambag ni Rico sa industriya ng musika. Isa sa mga madalas na pinaki­kinggan at most-covered songs nito ay ang 214 na isinulat niya kasama ang grupong Rivermaya. Ngayon ay naririnig pa rin ito na ikino-cover ng ilang artists gaya nina Sarah Geronimo at JM de Guzman.

Ginagamit din sa ilang pelikula ang iba niyang kanta tulad ng Ulan, Balisong at 241 na narinig sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella na pinagbidahan nina Bela Padilla at JC Santos noong nakaraang PPP.

Ngayon ay panatag na ang legendary singer dahil nasa mabuting mga kamay na ang kanyang mga ginawang kanta.

Ipinaglalaban ni Rico ngayon na kailangan ay mahalin ang sariling atin.

RICO BLANCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with