Karla, Daniel
Daniel baby ang tingin sa nanay, ayaw pag-dyowain!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 10, 2019 - 12:00am

Mukhang hindi pa rin talaga payag si Daniel Padilla na magmahal muli ang kanyang inang si Karla Estrada. Idinaan na lang niya sa biro ang kanyang nararamdaman tungkol dito nang matanong ng co-hosts ng Magandang Buhay na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal nang mag-guest ang aktor kasama si Ian Veneracion sa nasabing morning show.

Ani Daniel, pag mature na raw ang nanay niya at pag hindi na baby saka ito pwedeng mag-asawa sabay-tawa.

Sabi naman ni Karla who is also one of the hosts, “hindi, ganito na lang anak, mag-compromise tayo.”

Daniel asked, “anong compromise?”

Sagot naman ni Karla, “hindi ako mag-aasawa hanggang pagtanda. Pero kasa-kasama mo ako kahit saan. Kahit saan kayo magpunta ni Kathryn (Bernardo, girlfriend at ka-loveteam ni Daniel), I’m just here, anak, because hindi mo ako binigyan ng buhay ko. Okay, so habang-buhay ako...”

Pinutol na ni Daniel ang sinasabi ng ina at aniya, “hala, OA na.”

But seriously, ani Daniel ay pinag-usapan na raw nila ito two days ago. Tinanong ni Jolina kung maganda naman ang resulta ng napag-usapan nila, sagot ng aktor, “parang nag-walk-out lang ako” at nagtawanan sila.

“Hindi pa, eh. Hindi ko pa naa-ano,” sambit ulit ni Daniel na ang ibig sabihin marahil, talagang hindi pa niya makita sa ngayon na mag-aasawa ang kanyang ina.

Ang alam namin ay kagagaling lang ni Karla sa break-up sa non-showbiz boyfriend na naka-base na sa US.

Ken at Rita may bago na uling teleserye

Masayang-masaya si Ken Chan sa magandang balitang sumalubong sa kanya pagdating na pagdating niya ng Pilipinas mula sa pagbabakasyon sa ibang bansa.

Nag-post si Ken sa kanyang Instagram ng larawan niya kasama ang ka-loveteam na si Rita Daniela at mga staff ng GMA-7. Sa caption, he announced na may bagong drama series sila ng aktres sa primetime slot. “Pagkalapag na pagkalapag ko ng Pilipinas may good news kaagad akong natanggap. Sobrang saya ko na magsasama kami ulit sa isang proyekto ni @missritadaniela. Natupad na naman ang isa sa mga prayers ko. Lord thank you ah, lakas talaga namin sayo!”

DANIEL PADILLA KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with