^

Pang Movies

Andi ibinuyangyang ang kamot sa tiyan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andi ibinuyangyang ang kamot sa tiyan!
Andi Eigenmann

Walang takot na ibinuyangyang ni Andi Eigenmann sa isang pictorial ang tiyan niya na maraming kamot dahil buntis nga siya sa kanyang pangalawang anak.

Bihira ang mga artista na kagaya ni Andi na hindi natakot na ipakita sa publiko ang flaws ng kanyang katawan dahil proud siya sa pagiging ina.

Kahit noon pa man, what you see is what you get kapag si Andi ang kausap. Namana niya ang straightforward character ng mga Eigenmann at ng kanyang nanay na si Jaclyn Jose.

Aktres nagluka-lukahan

Natsugi sa television show ang isang aktres dahil nabuking na sinisiraan niya ang production staff at ang sariling programa.

Hindi na tinawagan ang aktres para mag-taping at basta na lamang nawala ang karakter niya sa kinabibilangan na television show.

Mahirap maghanap ngayon ng regular show sa telebisyon. Sayang talaga dahil kung hindi nagluka-lukahan ang aktres, hindi ito mawawalan ng source of income.

Bagong pampaganda ni Ariella, ang bongga ng launching

Sa tagal na hindi natin nakita ng entertainment press sina Niño Bautista at Red Gatus ng Cosmo Skin, na-excite ang lahat ng mga imbitado sa presscon na ipinatawag nila para sa former beauty queen na si Ariella Arida.

Classic ang presscon ng Cosmo Skin dahil hindi nakarating si Ariella na hindi makaalis sa taping niya sa Batangas pero itinuloy pa rin ang meet-the-press lunch na sosyal dahil buffet sa Alba’s.

Cute na pinilit-pilit talaga ni Jun Lalin na magpa-raffle sina Niño at Red at talagang ginawang big deal ang photo session na masaya.

Makuha mo sana Salve na mag-sponsor sa ating Take It... Per Minute ng one week ang Cosmo Skin na okey ang mga product, ang glutha drink, ang lotion at energy drink nila.

Wala naman friction o conflict sa Beautederm ang Cosmo Skin dahil magkaiba naman sila ng mga product nina Rhea Tan at ng IVI Meth ni Vanni at Ryan Patillas.

Mga mahihilig sa online shopping, prone sa panloloko

Naloko ng isang online seller ang kaibigan ko na si Vanni Patillas ng IVI Methatatione.

Sole Manila ang IG handle ng online seller na pinagkatiwalaan ni Vanni na nag-order ng sapatos para sa kanyang anak at nagbayad ng P7,000.

Hanggang ngayon, hindi pa dumarating ang ipinangako na sapatos, kahit fully-paid na si Vanni.

Hindi na sinasagot ng administrator ng Sole Manila ang mga direct message ni Vanni na lalong naloka dahil blocked na rin siya.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao na bumibili ng mga sapatos, bags, damit at ibang gamit na nakikita lang sa mga litrato na naka-post sa mga IG account ng online sellers.

Iba pa rin kung nakikita nasa harap, nakikita at nahahawakan natin ang mga produkto na gustong bilhin.

Kung hindi nila maibibigay ang order na sapatos, ibalik sana ng Sole Manila ang pera  na ibinayad sa kanila ni Vanni. Huwag nilang sirain ang kanilang reputasyon at negosyo nang dahil lang sa P7,000.

Kawawa naman si Vanni  na nagtiwala sa Sole Manila. Mabuti na lang, marami ang orders ng IVI Meth.

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with