^

Pang Movies

Paulo pahulaan kung sino ang katambal!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Paulo pahulaan kung sino ang katambal!
Paulo Avelino

Up to this writing ay ayaw pa ring i-reveal ng writer-director na si Antoinette Jadaone kung sinong young actress ang gaganap sa lead role na Fan Girl na pagtatambalan nila ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Si Direk Antoinette ay kagagaling pa lamang sa kanyang recent hit movie na Alone/Together na tinampukan ng magka-loveteam at magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil under Black Sheep Productions habang si Paulo ay napapanood ngayon sa hit primetime TV series na The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Huli namang nagbida si Paulo sa historical movie na Goyo: Ang Batang Heneral.

Diego babalik na!

Ipinangako ng actress na si Teresa Loyzaga na babalik din sa showbiz ang anak niya (kay Cesar Montano) na si Diego Loyzaga and hopefully, it’s going to be soon.

Tulad ng ibang mga kabataan, dumaan din sa depression si Diego kaya ito pansamantalang huminto sa kanyang showbiz career.  Isa si Diego sa mga lead characters ng tumatakbong panghapong serye ng ABS-CBN, ang Los Bastardos at sa kanyang hindi inaasahang pag-alis sa nasabing programa ay pinalitan siya ni Joseph Marco.

At sa muling pagbabalik ni Diego sa showbiz, inaasahan na mas magiging matapang na itong harapin ang mga hamon ng buhay at maging ng showbiz.

Georgina nagsilang na ulit ng baby boy

Baby boy muli ang isinilang ng Fil-Brit model na si Georgina Wilson bilang second son nila ng mister niyang British national na si Arthur Burnand over the weekend. Ang panganay nina Georgina at Arthur na si Archie ay magta-tatlong taon sa darating na December 14, 2019.

Sina Georgina at Arthur ay ikinasal nung April 30, 2016 sa Winchester, England.

Bago napangasawa ng modelong si Georgina si Arthur ay naging kasintahan nito sina Richard Gutierrez at ang modelong anak ni Sen. Imee Marcos na si Borgy Marcos Manotoc.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with