Sheryl chinito ang bagong dyowa!

Walang nababalitaan sa aktres na si Sheryl Cruz simula noong hindi ito suwertehin sa kanyang pagtakbo bilang konsehal sa second district ng Manila noong nakaraang May 13 elections.

Naging tahimik lang si Sheryl at walang balita kung may gagawin itong teleserye. 

Pero kailan lang ay nag-post si Sheryl sa Instagram account niya ng dalawang photos na kasama niya ay isang chinitong guy sa Sacramento, California. Mukhang ka-date ito ng aktres at may caption pa ito na #ANightToRememberPart1 at #ABarToRemember.

Hula ng netizens ay ito na ang new boyfriend ni Sheryl. 

Makikita naman sa photos na iba ang ngiti nito habang nakaakbay sa kanya ang kasama niyang lalaki.

The Voice coach Blake Shelton nalungkot sa pag-alis ng ka-bromance

Inamin ng The Voice coach na si Blake Shelton na sobra niyang ikina-upset noong magpaalam ang kaibigan niyang si Adam Levine sa show pagkatapos ng 16 seasons.

Isang dahilan kung bakit naging hit ang The Voice ay dahil sa “bromance” nila Blake and Adam. Ngayon ay feeling ni Blake ay wala na siyang makakasagutan at mang-iinis sa kanya sa show.

Ang magiging kapalit ni Adam ay ang girlfriend ni Blake na si Gwen Stefani.

Show comments