Paolo pang-apat na anak ang turing kay Aki
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

Co-star din sa Family History si Paolo Contis na isa rin sa mga alaga ko kaya binabati ko rin ng Happy Father’s Day.

Bale tatlong babae na ang anak ni Paolo, dalawa ang anak niya sa kanyang estranged wife na si Lian Paz at isa sa girlfriend niya na si LJ Reyes.

Pero kung si Paolo ang tatanungin, apat ang anak niya dahil kasama sa bilang si Aki, ang lovechild ni LJ at ni Paulo Avelino.

Tunay na anak ang trato ni Paolo kay Aki dahil siya na ang nakagisnan na ama ng bata. Hindi ako magtataka kung mas close sila ni Aki bilang sila ang araw-araw na magkasama.

Nakikita ko na masaya at kuntentong-kuntento si Paolo sa piling ni LJ. Sana nga, sila na ang forever na magkasama na hindi imposible na mangyari dahil mga mature na ang pag-iisip nila nang mahalin nila ang isa’t isa.

Family History umpisa na sa pagpo-promote

Sa susunod na buwan na ang playdate ng Family History kaya nagsisimula nang mag-promote ang stars ng pelikula, sina Michael V., Dawn Zulueta, Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Ang Family History ang comeback movie ng GMA Pictures. Si Michael V. ang sumulat ng kuwento at direktor ng Family History.

Tinanggap agad ni Dawn ang project nang mabasa niya ang script dahil nagandahan siya sa kanyang role at sa kuwento ng Family History.

For the first time, ipinakita kahapon sa Sunday PinaSaya ang teaser ng Family History.

Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn maraming kasabayan

Next month din pala ang playdate ng Hello, Love, Goodbye, ang unang movie team up nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sana naman, hindi magkasunod na linggo at lalong hindi magkasabay ang mga playdate ng Family History at ng Hello, Love, Goodbye para hindi sila magkasakitan sa box office.

Ipalabas sana ang Hello, Love, Goodbye at Family History sa mga sinehan ng two weeks apart para makapag-ipon ng datung ang moviegoers.

Samantala, may bagong pakulo ang Star Cinema sa promo ng Alden-Kathryn starrer.

May unboxing o unveiling ceremony pa sila sa poster ng pelikula at nangyari ito noong Sabado sa Trinoma Cinema.

Nabulabog ang fans at ang mall shoppers dahil sa presence nina Alden at Kathryn sa unboxing ng poster ng kanilang coming soon movie.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with