^

Pang Movies

Eddys sinisipot ng mga artista kahit ‘di pa panalo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Eddys sinisipot ng mga artista kahit âdi pa panalo!

Noong araw sa mga awards night, tinatawag sa itaas ng stage ang limang nominado at inaabutan sila ng certificate of nomination. Tapos gagawin ang announcement kung sino ang nanalo, at lahat ng mga natalo makikitang binabati kung sino man ang nanalo.

Dumating ang panahon na may mga napipikon, at hindi na lang dumadating kung hindi rin lang sila umaasang mananalo. May mga artista nga noon na nagpapadala pa ng mga spy, para makibalita muna kung mananalo sila o hindi. Kung hindi rin lang, hindi na sila pupunta. Sayang lang ang gown.

Hanggang dumating nga ang mga araw na iyong mga nananalo mismo ang wala kapag awards night.

Kaya nga nakakatuwa iyang Eddys, dahil sa lahat ng awards, sila lang ang may nominees night pa, kung saan lahat ng nominado ay kumbidado nila. As expected mayroon namang hindi dumadating, kasi naroroon pa rin sa isip nila na kung magpupunta sila lalabas pang talagang gustung-gusto nilang manalo ng award. Eh alam naman ninyo ang karamihan, kung sabihin nga ay “pakipot”.

Pero nakakatuwa naman. Hindi kami nakapunta roon pero may nagsabi ngang “people who matter were present”. Maraming ibang activity na kasabay nila, pero iyong mga may binatbat, nasa kanila naman. Katunayan iyan ng kanilang pagtitiwala at paniniwala sa Eddys.

Kung iba iyan, baka maski si Kuhol hindi dumating diyan. Iba rin kasi iyong dating noong award na ang nagbibigay ay mga respetadong tao rin. Kung iyan ay kagaya ng ibang “bentahan award”, hindi na sila pupunta. Magpapadala na lang sila ng pera sa kanilang “fixers”.

Iba-iba talaga ang level ng awards eh. May nakukuha dahil sa kahusayan. May nakukuha kasi nabibili lamang. Alam mo na.

Studio 7 baka mabawasan ng audience sa bagong timeslot

Dahil doon sa kanilang reality contest, inilipat ng oras sa late Saturday night iyong Studio 7. Maganda pa naman sana ang following ng show na iyan noong nasa Sunday night primetime iyon.

Kaya kami nanghihinayang kasi maganda iyong show, at malakas na nga ang following. Isa pa may mga artistang ang market ay mga kabataan, at masyado nang late para sa kanila iyong bagong time slot ng show. Ginawa pang Sabado, iyan ang araw na ang mga kabataan nasa lakwatsahan.

Definitely, hindi man mawala, mababawasan nang malaki ang audience ng nasabing programa. Natatandaan namin, sinasabi nga noon ng isang TV producer, lahat ng ilagay mong show nang late Saturday night tagilid. Ang tumagal lang talaga ng Sabado ng gabi, kahit na madaling araw na, iyong Walang Tulugan ni Kuya Germs. Lahat iyong iba bumalibag.

Batikang Italian director na si Franco Ziferelli, pumanaw na

Namatay na ang batikang Italyanong director na si Franco Ziferelli sa edad na 96 noong Sabado sa kanyang bahay sa Roma. Paborito namin iyang si Ziferelli na nakagawa ng isang malaking hit kahit na hindi kilala ang kanyang mga artista sa Romeo and Juliet na sina Leonard Whiting at Olivia Hussey. Siya rin ang gumawa ng isa pa naming favorite movie, iyong Brother Sun, Sister Moon.

Si Ziferelli ay director hindi lamang ng pelikula, kung di maging sa stage at telebisyon. Maraming iba pang naging hits si Ziferelli kagaya rin ng Endless Love ni Brooke Shields. Siya ay itinuturing maski sa Hollywood na isang henyong director.

Maski yata sa kanila, nauubos na ang mga mahuhusay na artists.

EDDYS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user