AiAi may patama sa mga nanlokong kaibigan!

AiAi delas Alas

Hugot ang Monday post ni AiAi delas Alas sa Instagram. Ang malaki niyang natutunan sa buhay sa mga pinagdaanan niya ay, “TRUST GOD, wag mawawalan ng pag-asa, ang buhay ay pana- panahon, etc. etc.”

Naglitanya si AiAi na una niyang pinangarap maging flight attendant pero sa showbiz siya napunta at sinuwerte. Kaya naman inalagaan niya ang kanyang showbiz career.

Palibhasa likas na mabait, nakaranas siya ng panloloko mula sa ilang tinatawag niyang kaibigan. Rason sa kanya, masyado raw ka siyang mabait.

Sagot naman niya pati sa asawa, “Ang sagot ng puso ko masama bang maging mabait?? Dba pag mabait ka matutuwa si LORD SAYO?

“Anyways, sa mga nanloko saken sa negosyo si Lord na ang bahala sa inyo..basta ako happy na lang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni Lord sa akin siksik at liglig at umaapaw...at madami blessing sa buhay ko...mababait at magagandang anak, magaling na nanay ko..napakabait at mabuti ang asawa ko...mga totoong kaibigan maaasahan...at si LORD at MAMA MARY na nakikinig parate sa aking mga dasal...GOD BLESS EVERYONE.”

May negosyo pa rin naman si AiAi ngayon pero stable na ‘yon dahil personal niya itong inaasikaso kahit marami siyang showbiz commitments.

Second baby nina marian at dingdong pila na ang offer

Imported brand ng tinapay ang bagong endorsement ngayon ni Marian Rivera.

Sa tanong ng followers niya kung anong salita ‘yung brand, tugon ng isang netizen, kilalang brand daw ‘yon sa Indonesia.

Kahit sa July pa babalik sa Sunday Pinasaya at Tadhana si Yan after manganak kay Baby Ziggy, mabenta pa rin siya bilang endorser, huh!

Sa totoo lang, kahit isang buwan pa lang ang bunsong anak nila ni Dingdong (Dantes), may nakapila nang nang advertisers para kunin itong endorser, huh!

Show comments