Loisa nakahanap ng bagong partner!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - May 29, 2019 - 12:00am

Ang galing ng collaboration nina Loisa Andalio at Kritiko sa bagong release na kantang Salamat Sa... Nagtatanong ang fans na kung kailan agad gagawan ng music video ang bago nilang single.

Maganda ang lyrics at maganda ang pagkakalapat ng music na puwedeng gawing theme song ng magiging project ni Loisa. Ang ganda ng single na catchy ang lyrics na in fairness sa dalawa ay naka-LSS. Kaya request din ng  fans na sundan pa ang collaboration dahil ang galing ng vibes ng kanilang music na positive ang epekto sa mga tao.

Ang galing ni Kritiko kaya nga lang, may worry ang ibang fans dahil may chemistry ang dalawa at bagay maging magka-loveteam.

Kahit ang solid fans ni Loisa ay gustung-gustong pakinggan ang bagong single ng kanilang idolo. Baka nga naman ma-insecure si Ronnie Alonte sa magandang chemistry nina Kritiko at Loisa na patok ang tambalan pagdating sa music.

Maganda rin ang registration nina Loisa at Kritoko sa screen na ikinagulat ng fans dahil baka maagawan na naman ng ka-loveteam si Ronnie.

Samantala, thankful naman si Kritiko na nagugustuhan ng tao ang kanilang collaboration ni Loisa ganundin sa pagtitiwala sa kanya ng Star Music dahil mas lalong napansin ang kanyang talent bilang rapper kaya tiyak ay masusundan pa.

KRITIKO LOISA ANDALIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with