Kim Chiu, Gerald Anderson
Gerald sinundan si Kim sa backstage pagkatapos tuksu-tuksuhin!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

Marami ang kinilig na fans sa naging pagkikita nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa It’s Showtime two weeks ago. Guest ang aktor sa nasabing noontime show at isa siya sa judges sa isang segment.

Katakut-takot na kantiyaw ang inabot ng mag-ex mula sa mga host ng It’s Showtime at sa totoo lang naman talaga, ang lakas pa rin ng kilig ng Kimerald kahit ang tagal nang nabuwag ang loveteam nila ay may kanya-kanya na rin silang karelasyon.

Ang cute-cute tingnan ng kanilang reaksyon habang tinutukso sila.

Sa guesting ni Gerald kamakailan sa Tonight With Boy Abunda ay naitanong ng host na si Boy Abunda kung totoo bang sinundan niya si Kim sa backstage nang araw na ‘yun matapos ang segment.

“Oh yeah, sinundan ko siya,” ang sagot agad ni Gerald. “Just to greet her a belated happy birthday. May small talk na konti and we were talking about ‘yung nangyari sa stage.”

Tinanong ni Kuya Boy ang aktor kung ano ang reaksyon niya pag inaasar pa rin silang dalawa ni Kim.

“Nakakatawa lang, nakakatuwa lang. Kasi siyempre, wala ako dito ngayon if not for her. To have that kind of dynamics pa rin, parang you know, it’s nice,” sey ni Gerald.

Pero siyempre ay naitanong din sa aktor ang current relationship niya ngayon with Bea Alonzo tulad ng kung bakit hindi raw niya sinamahan ang girlfriend sa US noong Holy Week. “There’s reason, trabaho, shooting, we’re finishing the shoot,” he said.

Natanong din siya kung bakit hindi siya madalas mag-post ng pictures ni Bea habang ang aktres naman ay panay ang post. “I’ve said kung anuman ang meron kami, it’s something na parang… we had so many moments together pero hindi ko naman kailangang i-share lahat ‘yun,” paliwanag ni Gerald.

Winwyn hindi nagsisisi sa pag-atras sa Binibini

Walang kahit katiting na regrets si Winwyn Marquez sa naging desisyon niyang huwag nang sumali sa Bb. Pilipinas this year dahil heto nga’t may bago siyang project ngayon sa GMA-7, ang afternoon drama series na Dahil sa Pag-ibig kasama sina Sanya Lopez at Benjamin Alves.

“Sabi ko nga, siguro, kung hindi naman smooth ang pagpasok ko sa Binibini, siguro, it’s not meant to be talaga. Happy naman ako na kahit hindi ako nakasali sa Binibini, eh binigyan ako ng show ng GMA na ganito, na talagang heavy drama.

“Tapos, binigyan pa ako ng isang lifestyle show na hosting naman sa News TV,” pahayag ni Win.

Glow-up daw ang title ng kanyang bagong show na magsisimula na sa June kaya happy raw siya talaga.“Sabi nga nila, pag may nawala na isa, may ibibigay naman na mas maganda. For me, ito na ‘yun,” she said.

GERALD ANDERSON KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with