Nora
Nasaan na ang fans? Birthday ni Nora wala nang ingay!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

Halos hindi namin naalala, mabuti na lang may social media at may ilang nag-post ng pagbati, 66 years old na nga pala kahapon si Nora Aunor. Ang laki na ng kaibahan ng birthday ni Nora ngayon sa mga birthday celebrations niya noon.

Natatandaan namin noong araw, basta birthday ni Nora, akala mo holiday talaga. Madaling araw pa lang nagdadatingan na ang napakaraming bus sa harap ng bahay niya, fans niya iyon na galing probinsiya. Hindi sila makikikain sa bahay ni Nora. May dala silang pagkain na talagang napakarami, at sila ang nagpapakain sa ibang fans. Usually dudungawin sila ni Nora makapananghali na, kakaway iyon sa kanila, magtitilian sila at pagkatapos noon kuntento na sila. Sila-sila ang nagkukuwentuhan o kaya uuwi na. Iyong iba naman naghihintay hanggang sa paglabas ni Nora ng bahay para sa party kinagabihan.

Hindi puwede ang party ni Nora sa isang maliit na venue. Lahat halos ng mga taga-showbusiness naroroon. At ang fans, nasa labas pa rin at nakikisaya kahit na hindi nila nakikita kung ano ang nangyayari sa loob. Basta masaya na sila na naroroon sila sa isang lugar kung saan nagse-celebrate si Nora kahit hindi naman nila nakikita.

Pero iyan ay mahigit apat na dekada na ang nakaraan. Iba na ngayon. Wala na ang libu-libong fans na galing pa sa mga probinsya. Wala na rin ang napakabonggang mga celebration. Siguro naman sa nakaraang 66 na taon ng kanyang buhay naranasan na ni Nora ang lahat. Ngayon wala na iyon, pero siguro nga maganda ring alalahanin iyong nakaraan.

Noon basta birthday ni Nora, cover siya sa lahat ng fan magazines, tiyak front page siya ng lahat halos ng tabloids.

Ngayon, nasa social media na lang ang mga pagbati. Tumanda rin siya. Lumipas din ang panahon. Pero ok naman dahil nariyan pa rin siya.

Liza posible pa ring gumanap na Darna

May nagsabi lang naman sa amin, baka raw mabigla na lang ang lahat kung ang ending si Liza Soberano pa rin ang lumabas na Darna. Naoperahan na ang kanyang injured finger. Kailangan na lang ng therapy. Tahimik naman sila sa ginawa nilang auditions, ibig sabihin wala silang nakursunadahan. Iyong mga artista namang nagpaparinig at halos magpilit na maging Darna, mukhang hindi kinakagat ng publiko. Eh si Angel Locsin naman sa tagal ng panahon ay nag-mature na rin. Talagang si Liza lang siguro ang puwede kung ang mga tao ang tatanungin.

May nagsasabi namang iyang pagtanggi ni Liza sa Darna ay proteksiyon na rin para sa LizQuen. Kung gagawin kasi niya iyan, lalong maiiwan sa popularidad ang kanyang ka-love team.

Hintayin na lang natin kung ano talaga ang mangyayari.

Matinee idol nakalkal na nagbenta rin ng katawan dahil sa kahirapan

Basta talaga ang isang tao sumisikat na, nauungkat kung ano man ang mga itinatago niyang sikreto ng nakaraan, na siguro wala namang magiging interesado kung hindi siya sumikat. Dumanas din pala ng hirap ng buhay si matinee idol noong araw. May panahon pa nga raw na napuputulan sila ng kuryente sa kanilang bahay. Dahil doon, kahit na bata pa, natutong mag-sideline si matinee idol.

Iyan namang mga po­ging ganyan talagang lapitin ng mga mapagsamantala.

In short, nagkaroon siya ng mga karanasan na siguro sa ngayon ay gusto na rin niyang makalimutan, pero dahil sikat nga siya, pinag-uusapan iyon ng mga naka-date niya noong araw.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with