Mga bagong halal, artistahin ang mga hitsura!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

Una sa lahat, mabuhay ka Quezon City Mayor elect, Joy Belmonte!, anak ng PM (Pang Masa), PSN (Pilipino Star NGAYON) at Phi­lippine Star.

Knows ko na ang kapasidad mo pagda­ting sa mga taong isang kahig, isang tuka dahil idol ka ng mga tiga-Galas, at sa Vice Mayor din niyang si Gian Sotto, anak ni Senate President Tito Sotto.

Bakit ganoon? puro young blood at mga poging lalaki at magagandang babae ang mga nahalal ngayon. Puro mga artistahin, like Yul Servo, sina Arlene Arcillas at Arnold Arcillas, Danilo ‘Dan’ Fernandez, Vico Sotto anak ni Bossing Vic Sotto at Coney Reyes, Dan Fernando ng Bulacan, Lito Lapid (dati nang pogi) ng Pampanga of course Grace Poe, Cynthia Villar, Lani Mercado-Revilla, Bong Revilla, o di ba? Sayaw pa lamang niya, maiihi ka na. Andyan din sina Cong. Vilma Santos-Recto, Alfred Vargas. Re-elected 5th district congressman, Isko Moreno at Hero Bautista.

Chiz Escudero, Richard Gomez and Lucy Torres, Imelda Papin, Jolo Revilla, Jestoni Alarcon, Jhong Hilario at marami pang iba.

God Bless you all! Hindi pa wagi ang nakaka­rami, don’t give up, destiny po ‘yan. Malay n’yo merong reward si Lord Jesus, may iba siyang ipapagawa sa inyo na makatutulong sa mga taong hindi makarating ang kanilang pananawagan sa mga bagong halal na opisyales.

Ako nga, na-sad ako sa Estrada family  na nakakatulong din sa aming pangangailangan, pero naniniwala ako na merong mensahe na nais iparating ni Lord God sa kanila.

Isang taos pusong pagbati sa mga nanalong kandidato ng iba’t ibang sangay ng mga gagam­panang katungkulan sa pamamahalaan, like senators, kongresista, konsehal, mayor, vice mayor, governor at kung ano pa na napanalunan sa pagboto ng mga mamamayan na nagtitiwala sa kanila.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with