Alden Richards
Winwyn sinagot ang tungkol sa kanila ni Alden
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

Takang-taka si Winwyn Marquez kung bakit sila biglang nali-link ngayon ni Alden Richards.

“Hindi ko rin alam,” sambit niya nang matanong sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig, “mabait si Alden, alam naman natin ‘yun.”

Ang alam niya ay dumalo lang daw siya sa opening ng McDo franchise nito sa Laguna ka­makailan.

“Actually, hindi ko alam kung bakit, kasi nag-start ‘yun nun’g pumunta ako sa opening, sa McDonalds. Eh si Alden naman talaga, kaibigan ko, eversince. Unang teleserye niya, One True Love, nagka-work kami,” sey ng aktres.

Dahil nga nali-link sila ngayon, pati siya ay naba-bash ng fans. Pero aniya ay hindi naman niya ito pinapansin.

“Dedma naman ako sa mga basher. Actually, nagugulat na lang din ako kung saan nanggagaling ‘yung story, kasi hindi naman… wala namang itinatago. Nag-uusap naman kami talaga ni Alden pag nagkikita. And he’s very sweet naman din sa lahat ng tao.”

Hindi nga raw niya nababasa ang mga pamba-bash sa kanya dahil naka-filter daw ang Instagram niya.

Paglilinaw pa ni Winwyn, invited naman daw siya talaga sa lahat ng opening mg mga restaurants ni Alden pero nagkataon lang na du’n siya sa McDo nakadalo.

Ano ang reaksyon niya nang malaman niyang may tsismis na pala sa kanilang dalawa? “Wala, natawa lang ako, lahat naman ‘ata, nali-link kay Alden,” natatawang sabi ni Win.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ni Alden ang tungkol dito at siniguro niyang wala talagang namamagitan sa kanila.

Pero open ba siya sa possibility if ever na something more than friendship sa kanilang dalawa? Natawa si Winwyn. “Parang hindi naman tama na tanungin n’yo ng ganyan. Si Alden, I don’t think he’s ready for something like that. Hindi rin ako ready. I’m enjoying ‘yung single moments ko, kasi ngayon lang ako naging single talaga.”

Inulit ng aktres na talagang natawa siya sa issue sa kanila.

“Kasi, parang ‘oh my gosh, isa na rin ako sa na-link kay Alden.’ Nakakatawa, parang ‘baket?’ Wala, nabigyan lang talaga ng malisya.”

When asked kung alam ba ito ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras, aniya ay hindi raw niya alam dahil hindi pa raw sila nakakapag-usap.

Samantala, sa Dahil sa Pag-ibig ay aminado si Winwyn na medyo daring na siya base na rin sa trailer.

“Yes, medyo. Nun’g una, kinabahan talaga ako, so kinausap ko muna sina direk Ricky (Davao), si Ben, (Benjamin Alves), ‘yung scene namin, ‘yung love scene and fortunately, si Ben, kakilala ko na talaga siya kasi same kami before ng agency, so nag-usap kami kung paano, and inalagaan naman nila ako.”

Sa nasabing serye ay may mga love scenes siya with Benjamin at may shower scene pa.

“Pero maganda, it was done tastefully, it was done okay.”

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay magpakaka-daring na siya parati. Depende pa rin daw siyempre sa script kung kailangan talaga sa kwento.

Ginagampanan ni Winwyn sa Dahil sa Pag-ibig ang papel ni Portia na asawa ng amo ni Edon (Benjamin) sa Saudi Arabia. Kasama rin sa serye as lead stars sina Sanya Lopez at Pancho Magno.

Joining the powerhouse cast are Sandy Andolong, Dominic Roco, Devon Seron, Kelley Day, Tep Tep Pineda and Tetchie Agbayani.

Magsisimula na sa May 20 ang Dahil sa Pag-ibig sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Bihag.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with