Edu Manzano
Edu ‘di tinanggap ang offer nina Luis at Jessy
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 9, 2019 - 12:00am

Kasamang humarap sa media ni congressional candidate Edu Manzano for the lone district of San Juan City, ang lawyer niyang si former Comelec Chairman Atty. Sixto Brillantes para ipaliwanag ang disqualification charges sa client niya sa kalaban nito.

“Actually, ang disqualification charges generated publicity pa sa kanya,” paunang salita ni Atty. Brillantes. “He is not yet disqualified, he is a legitimate candidate. Nasa balota pa ang kanyang pangalan at hindi iyon mabubura, kaya pwede pa rin siyang iboto.”

Kuwento naman ni Edu:

“Ginawa na nila sa akin iyan noong 1998 nang kumandidato akong Vice-Mayor ng Makati at exactly 21 years, inulit na naman nila. I am a Filipino citizen, born of Filipino parents at matagal ko nang ni-renounce ang American citizenship ko. Kaya in-approved din ng Supreme Court ang appeal ko noon at nag-serve akong Vice Mayor ng Makati.”

Sa dalawang surveys na raw na lumabas, nangunguna na ang kanilang partido.

Edu is now 63 years old at sabi nga niya, ready na siyang maging Congressman ng San Juan City. Kandidatong mayor naman nila si Janella Estrada, na incumbent Vice-Mayor ng San Juan.

Tumutulong ba sa kanyang candidacy ang anak na si Luis Manzano, ganundin ang girlfriend nitong si Jessy Mendiola?

“Hindi ko tinanggap ang offer nila. Hindi kasi puwedeng isasama ko lamang sila sa isang kampanya, dapat sa lahat ng kampanya, dahil baka isipin nilang namimili lamang ako ng pupuntahan nila. Ayaw ko namang i-deprive sina Luis at Jessy sa mga trabaho nila, kung may schedule kami ng kampanya na may kasabay namang trabaho sila. Siguro, sa Miting de Avance na lamang sa Saturday, May 11, baka makasama ko si Luis. Si Jessy kasi may taping siya nang araw na iyon.”

EDU MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with