Dawn Zulueta
Dawn pahinga muna sa teleserye
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 2, 2019 - 12:00am

Isa rin ang maganda at mahusay na actress, si Ms. Dawn Zulueta, ayaw na munang gumawa ng teleserye at mas pinili na lamang niyang gumawa muna ng movie. Nakausap si Dawn ng ilang press na dumalaw sa set ng movie nilang Family History a co-production venture ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc. na pag-aari ng mag-asawang Michael V. at Carol Bunagan.

Inamin ni Dawn na two or three years ago pa niya napagdesisyunan na huwag na munang gumawa ng teleserye dahil napi-picture na niyang magiging teenager na ang panganay niyang anak na lalaki. Ang second child nila ni Congressman Anton Lagdameo ay 10 years old na rin.

“Inisip ko na noon pa na dapat ay kasama na ako ng mga anak ko ngayong magbibinata na sila,” lahad ni Dawn. “Ibig sabihin noon, mas maraming oras ang kailangan na kasama nila ako, hindi lamang quality time, quantity time din. Kaya hindi pwedeng may teleserye ako na hindi ko alam kung anong oras akong makakauwi ng bahay, mauubos talaga ang oras mo kapag may teleserye ka. Parang wala ka nang buhay, hindi ka pwedeng magkasakit, hindi ka pwedeng magbakasyon, hindi mo alam kung hanggang kailan ganoon ang schedule mo. Saka wala namang magandang offer, sorry pero iyong mga soap na ini-offer sa akin, hindi naman ako na-excite.”

Pero hindi tinanggihan ni Dawn nang i-offer ni Michael V. ang Family History na nagustuhan niya ang concept.

“Matagal na kaming magkakilala ni Bitoy pero this is our first time na nagtatambal kami. Gaganap kaming mag-asawa pero magkakahiwalay. Hindi pa namin puwedeng sabihin ang story, pero dramedy ito with a twist.

Ano ang nakita niya kay Bitoy habang nagdidirek ng movie na siya rin ang sumulat at siya ang actor na gumaganap.

“Alam nating comedian si Bitoy, per he’s sensitive pala. Minsan, nakikita ko na lamang na umiiyak na siya. He’s an artist, an actor. Malalaman ninyo ang sinabi ko kapag napanood na ninyo ang movie namin, sometime in June, 2019.”

Miguel hindi napaamin kay Bianca

Hindi napilit ng mga press na bumisita sa shooting ng Family History, na paaminin si Miguel Tanfelix na naging sila ng ka-love team na si Bianca Umali, sa loob ng 10 years na nilang magkatambal sa more than 10 teleseryes na ginawa nila sa GMA-7.

“Hindi po kami, hindi po naging kami ni Bianca,” nakangiting sagot ni Miguel. “Talaga pong naging close kami, sobra, magkasundung-magkasundo kami at hindi na po iyon mababago. Lagi kaming masaya sa set, tawanan lang nang tawanan. Si Bianca po, nagku-confide sa akin, ganoon din naman ako sa kanya.”

Bukod sa Family History na si Miguel ay anak nina Bitoy at Dawn, si Bianca ay anak naman nina Ina Feleo at John Estrada, magkatambal din sina Bianca at Miguel sa epicserye na Sahaya. May isa pa silang natapos, a horror movie, ang Banal, for APT Entertainment, na showing na sa May 29, bago ang Family History.

DAWN ZULUETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with