Anne naka-isang milyon sa post na kita ang pisngi ng boobs!
Anne
Anne naka-isang milyon sa post na kita ang pisngi ng boobs!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 28, 2019 - 12:00am

Umabot sa mahigit sa isang milyong likes ang April 20 post ni Anne Curtis sa Instagram. Ito ‘yung litrato niyang naka-swimsuit na backless habang siya ay nasa California, huh!

Nagsusuot naman ng bathing suit si Anne pero nanggulat talaga ang post niyang ‘yon sa milyones na likes, huh! Medyo pasilip kasi ang pisngi ng boobs niya sa nasabing picture.

Samantala, palabas na sa Netflix ang blockbuster movie niyang horror film na Aurora. Sa isang tweet ng netizen, “Aurora listed first as popular on Netflix today here in the US. Can’t wait to watch it.”

Kim ibinigay ang unang sahod para sa liver transplant ng isang bata

Non-stop ang pagiging generous ni Kim Chiu. Matapos magpakain ng katutubong Aetas sa Capas, Tarlac, bumisita naman siya sa Calamba, Laguna upang ibigay ang donasyon kay Baby Aki, ang batang nangangailangan ng liver transplant.

Ang batang may sakit ay naging viral sa social media dahil ang tatay niya ang nagtitinda ng banana cake sa highway para makalikom ng pera para sa transplant ng anak.

Ang perang ibinigay ni Kim ay mula sa unang suweldo niya sa kanyang YouTube channel. Pinasalamatan niya ang followers niyang nanood sa vlogs niya.

Sa Intagram post ni Chinita Princess, personal niyang na-meet si Baby Aki pati mga magulang niya pati na ang mga kasama niya.

Dahil sa post ni Kim, nagsunuran ang kanyang fans upang magbigay ng donasyon sa bata.

Hindi para magyabang ang insta ni Kim sa post niyang ‘yon kundi nais niyang magpasalamat sa viewers ng kanyang YouTube channel, huh!

ANNE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with