Magiging partner sana sa Descendants Jessy naudlot kay Dingdong?!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

Si Jessy Mendiola pala talaga sana ang gaganap na Doc Kang sa local adaptation ng Descendants of the Sun pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Pero na-abort daw ang negotiations dahil hindi nagkasundo ang kampo ng actress at ng GMA 7.

Maalalang nabalita recently lang na magta-transfer nga raw si Jessy ng network dahil wala itong ginagawa sa ABS-CBN pero common knowledge na naudlot ito.

Sayang dahil maganda ang role ni Doc Kang na in real life ay naging misis ng bida sa Descendants... na si Song Joong-ki.

Teka meron na bang project sa Kapamilya Network ang girlfriend ni Luis Manzano?

 Pulos pelikula ang ginagawa ni Jessy lately but sadly, lahat ay sadsad sa takilya.

Ayon sa executive ng GMA 7 naghahanap pa sila ng magiging partner ni Dingdong sa Descendants... na mag-uumpisa pa lang ang shooting sa Tarlac.

Kakapirma lang ng bagong management contract ni Dingdong sa GMA 7. “I’ve been here for 21 years...higit kalahati ng buhay ko sa GMA. Dito ko nakilala ‘yung asawa ko, siyempre kinasal kami, nagkaroon ng panganay, at ngayon nagkaroon ng pangalawang anak. Practically lahat ng highlights ng buhay ko, dito na nangyari. GMA is definitely part of my life,” Dingdong shared.

Aktres tsugi sa endorsement, magsosoli ng TF

Magsasauli pala ng talent fee sa endorsement niya ang isang aktres.

May narinig akong nagkuwento na may na-violate diumano ito sa pinirmahang kontrata kaya kinansela ito ng produktong kayang ini-endorse.

Ayon daw sa agreement, isosoli na lang ang ibinayad sa aktres kesa umabot pa sa korte ang usapin.

In all fairness, effective daw si actress bilang endorser ng produkto pero baka raw unaware siyang may na-violate siya sa agreement nila kaya hahantong sa saulian ang lahat.

I’m sure malaki-laking halaga rin ‘yun na malamang naman daw ay hindi panghinayangan ni aktres dahil marami naman siyang ibang trabaho.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with