Marian nag-share ng pinaka-masayang pasko
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 22, 2019 - 12:00am

Ang cute cute ng baby boy nila Dingdong Dantes and Marian Rivera na inilantad na nila sa social media kahapon.

Para ring si Zia ang pagka-cute nito.

Kaya naman nangunguna na naman ito sa social monitoring na CrowdTangle kahapon.

Sabi nga ng fans ng mag-asawa, iba talaga ang combination nila kaya kahit sampung anak puwede sila para mas marami pang magagandang lahi ang kumalat. “Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya.

“Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa supporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat.

“Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaa­lala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa.

Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila— si Dong, si Letizia at si Sixto— sila ang aking buhay.  (Photo taken when he was 2 days old) #JoseSixto #Six #Ziggy,” sabi YanYan sa kanyang post.

Coco hindi nakapagpigil!

Obvious na hindi na nga nakapagpigil si Coco Martin sa mga kinasasangkutan niyang bali-balita.

Sabi ng actor, ang kaduwagan ay hindi kabaklaan.

Wala siyang tinutukoy na pangalan pero common knowledge na idinadawit ang pangalan niya sa diumano’y pagluluwal ng baby ng aktres na si Julia Montes (though walang baby na nakikita). ‘Yun nga kaya ang pinatutungkulan ng actor o may iba pa?

“Sabi ng Lola ko nung bata pa ako mag sumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa. mahirap lang ang buhay namin simple pero mapayapa. hindi kami nang aapi at nang aagrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikialam ng buhay ng ibang tao.

“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan at kaduwagan may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may desisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo! Nag tatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko. masmaganda siguro humanap tayo ng ibang kapakipaki nabang na paguusapan para sa ating lipunan para may maiambag nman tayo sa ating bayan!,” bahagi ng mahaba niyang post.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with