Marian, Angel
Marian at Angel laging nangunguna sa social monitoring!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

Hindi pa pinakikita ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera ang kanilang second child na na-trending agad nang mag-tweet si Dingdong ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal para maging safe ang delivery ng aktres after 10 hours of labor the other night.

Samantala, laging naka-poste sa number 1 ang pangalan ni Marian sa social monitoring platform dahil sa sipag ng fans nito sa paghihintay ng balita tungkol sa kanya.

Siya ang local celeb na may pinaka-maraming likes sa Facebook with 18,581,358 na ang total interactions for 1 week ay 1.37 million.

Makikita mo sa nasabing social monitoring platform kung sino ang maraming interactions sa kanilang Philippines - Celebrities category.

Second kay Marian si Angel Locsin na masipag mag-promote ng kanyang The General’s Daughter at masipag din ang fans na mag-react sa kanyang pino-post.

Trending din kahapon dun ang picture ni Liza Soberano sa 2019 Coachella Valley Music and Arts Festival kung saan sila nag-attend ng ‘concert buddy’ and boyfriend niyang si Enrique Gil na ang background ay Ferris Wheel.

Anyway, sana nga, kung gaano kasipag sa social media ang fans ng mga favorite nila ay ganundin sila kasipag at ka-generous gumastos ng para manood ng sine ng kanilang mga idolo.

ANGEL LOCSIN MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with