Solenn Heussaff, Nico Bolzico
Solenn at Nico walang pakialamanan sa pag papa-sexy
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 16, 2019 - 12:00am

Ang pahayag ni Solenn Heussaff na all-year round na fit lifestyle sila ng mister na si Nico Bolzico at “summer ready” palagi ang body nila.

Nakatsikahan ko si Solenn sa presscon ng bagong primetime series ng GMA 7, ang Love You Two, kung saan ay kasama niya sina Gabby Concepcion, Shaira Diaz at Jennylyn Mercado.

Pero aminado naman si Solenn na ang body niya ngayon ay hindi na katulad noong mas bata siya.

Dahil almost 34 years old na siya, may mga nabago na rin naman sa katawan niya, pero she’s doing everything naman para mapanatili ang kanyang pagiging sexy.

Tinitiyak daw ni Solenn na nakakapag-exercise siya kahit 20 minutes a day lang at kapag may mas mahaba siyang oras, tumatakbo siya ng lima hanggang sampung kilometro sa isang araw.

Ang mister naman niyang si Nico, mas matindi raw mag-workout at patunay ang sobrang ganda ng abs nito na pinapantasya ng mga kababaihan at kabadingan.

Ang maganda kay Solenn, hindi siya selosa, kaya puwedeng-puwedeng mag-display palagi si Nico ng abs.

Wala rin daw insecurity si Nico, kaya si Solenn din, allowed na mag-two-piece hanggang gusto niya.

Ang alam ko nga pala, sinasamantala na rin ni Solenn ang pagdi-display ng kanyang katawan dahil plano na niyang magbuntis sa last quarter ng year na ito.

Nasa USA ngayon ang mag-asawa at umalis sila noong Saturday para sa basketball event doon ng Cignal Cable na sila ang endorsers.

Magha-hiking daw sila sa Los Angeles at San Francisco, California kaya nag-request sila ng extension.

After that, balik-taping si Solenn for Love You Two na malapit na ring mag-pilot telecast sa GMA Telebabad.

Maraming fans ni Maine loyalists na ni Arjo

Ang bongga ng fans ni Maine Mendoza dahil may pa-belated birthday party ang mga ito para sa kanya na ginanap sa isang KTV.

Intimate lang daw ‘yon at about 60 fans lang na kilala raw ni Maine.

Ang mga fan na ‘yon ay maka-Arjo Atayde, kaya may isa pa raw na nagpakita kay Maine ng pictures ng binata na kuha sa premiere night ng Stranded.

Of course, natuwa si Maine sa pictures ni Arjo na ipinakita sa kanya.

Ambag-ambag nga pala ang mga sosyal na fan ni Maine sa gastos sa get-together cum belated birthday treat nila sa kanilang idol.

Nangako raw ang mga fan na ‘yon na magiging supportive sa ArMaine fan club na sila rin ang nagtatag.

After Holy Week naman, may pa-party naman para sa phenomenal star ng Eat Bulaga ang ibang grupo naman ng fans ni Maine.

Ang maganda kay Maine, kahit busy siya, hinahanapan nila ng manager niyang si Rams David ng schedule ang mga ganoong treat sa kanya ng mga fan.

Maymay at Edward totohanan ang kilig

Nakita ko ang video ng dance rehearsal ng MayWard love team nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Panay ang lambing ni Edward kay Maymay. Panay din ang kulitan nila.

Makikita nga sa video na ‘yon ang sobrang pagmamahal ni Edward kay Maymay.

Obvious na sobrang in love ang binata sa dalaga.

Si Maymay naman, obvious na kinikilig din sa “pangungulit” sa kanya ng aktor.

Siyempre, kilig-kilig ang MayWard fans sa video na ‘yon.

Sabi nga nila, bagay na bagay raw talaga sila!

Well, I agree!

‘Yun na!

NICO BOLZICO SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with