^

Pang Movies

Kris humingi ng ceasefire!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang post ni Kris Aquino na nakikiusap kay Senator Kiko Pangilinan na ceasefire muna sa isyu niya laban sa mga taong sinisisi ang kapatid na si former President Noynoy Aquino sa pagkatalo ni Mar Roxas noong 2016 election.

Sabi raw ng spokesperson ni Mar, kaya natalo ito dahil na-associate kay PNoy at sa Liberal Party. Hindi nakatiis si Kris at dahil alam na hindi magsasalita si PNoy, siya na ang nagsalita.

Pero hindi nito dine­lete ang mga naunang post na may binanggit na “you did our family proud. Kung walang credit ngayon, kung insult ang maging ‘dilawan’- sana tingnan mo kung sinong katabi mo nung naging Citizen Noy ka ulit.”

Sabi ni Kris, marespeto siyang tao kaya nang pinakiusapan ni @kiko.pangilinan ng “ceasefire.” Madali raw siyang kausap kung genuine ang taong nakiusap sa kanya at kaya niyang magbigay.

Enrico naniniguro na

Nakakatuwa ang ginawa ni Enrico Roque na muling kumakandidatong mayor sa Pandi, Bulacan, kay Cristy Fermin sa kanyang proclamation rally sa plaza ng Pandi noong Linggo. Pinaakyat ni Enrico si Cristy sa stage at kasama ang kanyang pamilya, sama-sama silang humarap sa maraming tao.

Sa interview namin kay Enrico, ipinakita nito ang braso na magkaiba na ang kulay dahil sa araw-araw na kampanya.

Pagod man si Enrico, masaya siya na magbahay-bahay dahil nakukuha ang pulso ng mga botante ng Pandi.

Kahit sinasabing nangu­nguna siya sa survey, ayaw pa ring tumigil ni Enrico sa pangangampanya. Natuto siya sa naging pagkakamali niya sa nakaraang election na naging kampante siya at nakuha pang lumipad pa-China, na ang kapalit noon ay ang pagkatalo niya.

Ang pinanghinayangan ni Enrico sa kanyang pagkatalo ay natigil ang mga proyekto niya para sa mga kababayan niya sa Pandi. Kaya nangakong hindi uulitin ang kapabayaan niya noong 2016.

Julie Anne at Rayver magkasabay nag-NY

Mauuna palang lumipad pa-New York sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz para sa Studio 7 Musikalye sa Brooklyn na naka-schedule sa May 11, sa Kings Theater sa Brookyln sa New York.

Sa May 7, ang lipad ng dalawa, mauuna sila dahil wala silang schedule ng trabaho.

Saka, susunod ang ibang kasamang performers ng Studio 7 Musikalye at dahil mauuna sina Julie at Rayver, siguradong may magpapakalat ng tsismis sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at malalim na ang foundation ng relasyon nina Rayver at Janine Gutierrez, kaya hindi na mapagseselos si Janine ng shippers nina Julie at Rayver.

Sigurado ring magkakaroon ng isyu na lima lang sa mainstays ng Studio 7 ang dadalhin ng GMA-7 sa New York. Bukod kina Julie at Rayver, sina Kyline Alcantara, Golden Cañedo at Christian Bautista lang ang aalis.

Sina Alden Richards at Betong Sumaya ay hindi naman mainstay ng Studio 7.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with