^

Pang Movies

Michelle Dee napikon sa bintang na tibo siya?!

Gorgy Rula - Pang-masa
Michelle Dee napikon sa bintang na tibo siya?!
Michelle Dee

MANILA, Philippines — Parang napikon ang anak nina Melanie Marquez at Derek Dee na si Michelle Dee sa intrigang ibinato sa kanya nang humarap ito sa mediacon ng bagong romcom series ng GMA-7 na Love You Two.

Noon pa kasi ay natsismis na siyang lesbian at na-link ito sa isa pang Kapuso young actress na si Mikee Quintos.

Kagaya ni Michelle, natsismis ding may pagka-tibo si Mikee at napapag-usapang may relasyon silang dalawa.

“First time ko marinig‘yan in an interview question and I wasn’t aware about all of that,” bulalas ni Michelle.

Itinatanggi ni Michelle na lesbian siya, pero medyo boyish nga raw siya noon pa dahil nasa paligid siya ng mga lalaki at sa rancho raw siya lumaki, at doon siya nagkahilig mangabayo.

Magkaibigan daw talaga sila ni Mikee mula pa nung bagets sila.

“We were good friends since high school, kasi our barkadas are very tightly-knit.

“So, we basically grew up, since first year, se­cond year high school, we’ve known each other.

Nakakalungkot lang daw na binigyan ng malis­ya ang magandang friendship nilang dalawa.

“Sana po yung mga tao, hindi na lang ipagkalat yung mga something na hindi naman totoo.

“Kasi mahirap naman po, knowing the industry, ang bilis kumalat yung mga ganung issues,” dagdag na pahayag ni Michelle.

Bago itong Love You Two mediacon, ipinakilala na noon ng ALV Films ang model at baguhang actress sa story conference ng summer movie nilang G! LU (Go La Union).

Hindi lang namin siya mahiritan sa intrigang iyun dahil bagong salang pa lamang siya.

At least makahingi na rin siya ng payo sa Mommy niyang si Melanie na dumaan din sa intrigang katomboyan.

Nilinaw naman ni Michelle na wala siyang isyu sa mga lesbian. Supporter daw siya sa LGBT community, pero girl daw siya talaga at never pa raw siya pumasok sa isang relasyon.

Baler malaki ang naging improvement

Pasok na pasok ngayong summer ang Baler na isa sa gustung-gustong puntahan ng mga bakasyunista ngayong Holy Week vacation.

Ilan sa celebrities na gustung-gustong pumunta roon at ang alam ko nakapag-invest na ng negosyo roon ay sina Andi Eigenmann, Glaiza de Castro, Sam Pinto at iba pang hindi lang muna nila sinasabi.

Nang nakatsikahan nga namin ang butihing maybahay ni Sen. Sonny Angara na si Tootsie Angara, natutuwa siyang kinukuwento na ang laki na raw talaga nang in-improve ng Baler bilang paboritong bakasyunan ng mga turista.

Malaking bagay daw iyung naayos na ang mga kalsa­da papunta roon. Kaya yung dating 8 hours na travel papunta roon ay naging 5 hours na lang.

Pero hindi lang ang magagandang beaches na maganda pang-surfing ang ipinagmamalaki ng Baler kung hindi ang mga produkto raw na nila roon.

“Ang campaign ni Sonny (Sen. Angara), yung made in the Philippines campaign. Gusto niya, na talagang aside from the beautiful area of Baler, yung mga products, yung mga peanut butter, suman, mga sinamay.

“If we promoted well, people will try and just keep coming back,” pahayag ni Tootsie na nagyaya pa nga sa aming magbakasyon doon kahit ilang araw lang.

“Ang importante sa Baler maganda dun…very raw. Hindi siya masyadong commercialized which is part of the appeal of Baler.

“Raw pa rin siya talaga. Yung mountains…it’s the only place na mountains and sea in one,” pagmamalaki niya.

Kaya naman talagang pinangangalagaan daw nila ang naturang lalawigan lalo na ang kanilang peace and order.

“Very strict sila sa environmental issues eh,” pakli ni Tootsie na abala rin muna sa pag-iikot para tumulong sa pangangampanya ni Sen. Angara.

vuukle comment

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with