^

Pang Movies

Derek pinag-iingat kay Andrea!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Derek pinag-iingat kay Andrea!
Andrea Torres

Parang hindi nagsabi ng totoo si Andrea Torres nang mag-guest sa The Boobay and Tekla Show at tanungin ni Boobay kung may artista na nanligaw sa kanya? “Wala” ang sagot ni Andrea pagkatapos mag-isip ng ilang segundo.

Kung walang nanligaw sa kanyang artista, naging ano niya si Sef Cadayona na ilang taon din niyang nakarelasyon? Masasaktan nito si Sef na dinenay siya ni Andrea, but on the other hand, idine-deny din naman ni Sef na naging GF niya si Andea, kaya patas na lang sila.

Speaking of Andrea, hindi pa man nagsisimula ang taping nila ni Derek Ramsay ng The Better Woman dahil katatapos pa lang ng storycon, may mga nang-iintriga na sa kanya at pilit siyang ginagawan ng isyu. Mag-ingat daw sa kanya si Derek at baka ma-fall siya kay Andrea, eh, may GF pa naman siya.

Ang ginawang batayan ng mga nag-comment ay ang nag-uumapaw na chemistry at sensual tension daw sa dalawa sa summer plug pa lang ng The Better Woman at sa litrato nilang dalawa na pinost ng GMA-7.

Dahil pala sa summer plug at sa lumabas na litrato nina Derek at Andrea, mas uminit ang request na madaliin na ni director Mark dela Cruz ang taping para mapanood na nila ang pagtatambalan  nilang serye.

Gabby masipag

Ang sipag talaga ni Gabby Concepcion mag-promote ng rom-com series nila ni Jennylyn Mercado na Love You Two. Sa storycon pa lang, nag-post na agad siya ng mga litrato na nasundan ng photos sa taping.

Pati ang outtakes sa pictorial nila nina Jennylyn at ni Shaira Diaz, pinost din ni Gabby at may solo video pa sina Jennylyn at Shaira.

Nitong huli, ang video ng summer plug ng GMA-7 para sa Love You Two ang pinost nito, mostly, eksena nila nina Jennylyn at Shaira. Kaya, tiyak, natutuwa sa kanya ang network at si director Irene Villamor.

Sa April 22, ang worldwide premiere ng Love You Two na ang comment kay Gabby ng netizens, hindi tumatanda at hindi nawawala ang sex appeal.

Claudine balik-drama sa MMK!

Balik-telebisyon na si Claudine Barretto dahil nag-taping siya sa Maalaala Mo Kaya, kasama ang aktor na si Jameson Blake. Excited at natutuwa ang fans ni Claudine dahil matagal na nilang hinintay na muling mapanood sa TV si Claudine at sa ABS-CBN at dumating na ang araw na ‘yun.

Ang request ngayon ng fans ni Claudine, sana sa susunod, teleserye na ang ibigay sa kanya ng ABS-CBN dahil nami-miss nilang mapanood gabi-gabi ang aktres.

Kasama rin sa hiling ng fans ni Claudine ay ang mabigyan siya ng pelikula ng Star Cinema. Nabulilyaso kasi ang gagawing pelikula niya sa Viva Films, kaya sa Star Cinema nananawagan ang fans ni Claudine.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with