_pang-masa
^
Empoy nakakalimot na âpag Mahal Na Araw?!
Empoy Marquez

Empoy nakakalimot na ‘pag Mahal Na Araw?!

Vir Gonzales (Pang-masa) - April 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtatanong ang marami, dumating kaya at maki-ilaw sa prusisyon ang komedyanteng si Empoy Marquez? Buhat daw kasi noong mag-click ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita, hindi na ito namamataan sa nasabing lugar tuwing Mahal Na Araw.

Bakit kaya? Ayaw niya na kayang bumalik kung saan siya nag-umpisa?

Huwag naman sana, hindi maganda ‘yon.

Vilmanians forever kung magmahal

Humahanga kami sa Vilmanians noong burol ng mother ni Cong. Vilma Santos sa Loyola, Sucat. Gabi-gabi silang naglalamay sa pangunguna ni Jojo Lim at sila ang nagbabantay at sumasalubong sa mga dumadalaw sa burol ni Mama Mila. Abala kasi si Ate Vi sa mga kasamahan din sa trabahong nakikiramay.

Ibang klase talaga ang fans noong araw, forever kung humanga. Hindi tulad ngayon,  dinidiktihan ang mga artista na animo’y robot na pinaglalaruan.

Baliuag handa na sa Semana Santa

Handang-handa na ang mga antigong karo ng mga santong ipuprusisyon sa Baliwag, Bulacan. Every year itong ginaganap at pinamamahalaan ng hermano mayor na si Jorge Allan Tengco tuwing sasapit ang Mahal Na Araw.

Dinarayo rin ng mga turista ang taunang celebration ng Semana Santa sa nasabing lugar dahil sa isandaang poon ng iba’t ibang kaanyuan ng istorya ng sakripisyo ni Jesus Christ.

Katuwang din sa pamamahala sina Mr. at Mrs. Lito Tengco at ilan pang civic minded na taga-Baliwag.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to April born:

Ex Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, Gloria Diaz, Sheryl Cruz, Snooky Serna, Sharlene San Pedro, Dalisay Almazar, Leo Lazaro, Bearwin Meily, Vilma Valera, Amay Bisaya, Jelary Consulta, at happy wedding to my pamangkin, Mr. at Mrs. Jason Fazackarley of UK.

EMPOY MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with