Anne magho-host ng ‘meeting’ ni Park Bo-Gum

Whoaaa si Anne Curtis ang magho-host ng Manila fan meeting ng Korean actor na si Park Bo-Gum na magaganap sa April 27 at the MOA Arena.

Iba rin si Anne. Imagine pumayag siyang mag-host sa Korean actor na sa status ng career sa bansa ay mas sikat pa siyempre si Anne.

Kilalang K-drama addict ang actress / TV host at super favorite niya si Gong Yoo.

Studio nag-concert sa Bangus Festival…

Dumayo ang tropa ng Studio 7 noong Biyernes sa pangunguna nina Christian Bautista, Gabbi Garcia, Garrett Bolden, and Mirriam Manalo sa SM City Telabastagan, Pampanga noong Biyernes habang sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Mikee Quintos and Golden Cañedo ay nakipag-jam at sayawan sa kanilang fans sa SM City Tarlac. Ang grupo naman nina Mark Bautista, Aicelle Santos, Migo Adecer, Kate Valdez, and Jong Madaliday ay nagpakita ng world-class performances sa CSI The City Mall, La Union.

At kahapon Sabado, nagsama-sama ang Studio 7 squad sa taunang celebration ng Bangus Festival via Kapuso Concerts presents Studio 7: Musikalye in Dagupan na ginanap din CSI Dagupan Mall Grounds.

The Kapuso Concerts ay proyekto ng GMA Regional TV, in synergy with GMA Entertainment Group and GMA Pinoy TV.

Show comments