Orig member Truefaith inatake, patay!

Isa na namang miyembro ng sining mula sa music entertainment industry ang binawian ng buhay nung nakaraang linggo, March 31,  si Ferdie Marquez, isa sa mga original members ng iconic band na Truefaith dahil sa atake sa puso.

Si Ferdie kasama ang ibang members ng Truefaith ay siyang nagpasikat ng mga classic song ng band tulad ng Perfect, Muntik Nang Maabot ang Langit, Huwag Na Lang Kaya, Alaala, Kundi Rin Lang Ikaw, Ambon, Sa Kanya, Paano Ka Nabighani sa Akin, Faith, Sa Puso Ko at iba pa.

Mula sa amin dito sa Pang-Masa (PM), ang a­ming taos-pusong pakikiramay.

Arjo nabuko kung gaano kasaya kay Maine

Kung mauuwi man sa seryosong relasyon sa pagitan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, walang magiging problema ang dalawa dahil tila parehong boto sa kanilang relasyon ang respective families nila.

Very vocal ang pamilya ni Arjo sa pagsasabing inspirado at masaya ngayon ang actor magmula nang masimula silang mag-date ng ka-loveteam ni Alden. Ultimo ang paternal grandma ni Arjo na si Gng. Pilar Atayde ay masaya rin para sa kanyang paboritong apo.

Sa guesting ni Arjo at ng kanyang tatlong nakababatang kapatid na sina Ria, Gela at Xavi sa Magandang Buhay hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melay Cantiveros, inamin ng mga kapatid ng actor kung gaano kasaya ngayon ang kanilang kuya magmula nang mag-date sila ni Male. Kitang-kita umano sa actor ang pagiging inspirado at pagiging sobrang  involved sa kanilang relasyon ni Maine.

  

Show comments